(Migs’ POV)
Hindi ko talaga inakalain na magagawa ni Meeko yun. As in, pakiramdam ko hindi lang ako ang humanga sa kanya kundi ang buong train.
“Grabe Meeko . . . hindi ko talaga akalain na magagawa mo yun. At sa first time mo pang sumakay ng LRT ha.” Sabi ko sa kanya.
“Wala yun . . . ayoko lang kasi talaga ng mga ganung tao. Lalo na sa mga matatanda. Ang mga matatanda kasi dapat pinapahalagahan, they shouldn’t be disregarded.”
“You’re a girl full of wise words.”
“Nah . . . I’m just a girl. Who talks A LOT.” Sabi niya sa kin sabay tawa sa sarili niya.
Ang swerte talaga ni Iñigo sa kanya . . . ang swerte swerte niya . . .
Pumila na kaming dalawa para makalabas ng station. Nung time na namin ulit dun sa machine, she managed to do the right thing pero napansin ko na hindi siya gumalaw.
“Migs . . . bakit hind lumalabas yung ticket ko?” Sabi niya.
Tatawanan ko sana siya pero naalala ko na first time nga pala niya sumakay sa ganito. Kaya nilunok ko nalang ang tawa ko.
“Hindi na talaga yan babalik. Diyan nalang yan magsastay sa machine. Single journey ticket lang kasi yan.” Explain ko sa kanya.
“Ay ganun, so daan lang ako?”
“Yup. Daan ka lang.”
Sabay kaming dumaan sa machine and nakita ko na naman na sobrang saya niya. Napapansin ko yun kay Meeko. Parang ang dali lang niyang pangitiin. Yung tipong sumasaya siya kahit sa mga simpleng bagay lang. and I feel really good every time I make her smile.
Pababa na kami ng hagdan ng bigla siyang napatigil.
“Migs . . . ano yun?” Tanong niya sa kin and tinuro niya yung stall na nagbebenta ng empanada.
“Yan? Empanada yan.” Sagot ko sa kanya.
“Empanada? Ano yun?”
Pati ba naman empanada hindi niya rin alam? Pero dahil nga mayamn na mayaman sila, hindi ko nga maabot ang babae na to sa sobrang taas niya eh, baka talagang hindi niya alam.
“Umm . . . para siyang tinapay tapos may iba’t ibang palaman sa loob.” Explain ko sa kanya.
“Ahh . . . masarap ba yun?” Tanong niya ulit sa kin.
“Gusto mo isa?” Tanong ko sa kanya at tumango siya sa kin.
Pumunta kami dun sa may stall and tinignan niya yung iba’t ibang mga empanada. Tinitignan ko siya and para talaga siyang bata na ngayon lang nakakita ng ganun.
“Anong gusto mo diyan?” Tanong ko sa kanya.
“Ummmm . . . gusto ko to. Eto yung . . . chunky chicken.” Sabi niya sa kin then she smiled.
Kumuha siya ng pera sa wallet niya pero pinigilan ko siya.
“Ako na . . . libre na kita.” Sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Si Kuya Piso
Teen FictionOnce is coincidence . . . Twice is fate . . . Pero paano kung paulit-ulit nang nangyayari? Fate pa rin ba? O iba na?