(Iñigo’s POV)
“Good morning . . .”
She rolled over and nakita ko yung pag-smile niya. Bumilis yung tibok ng puso ko.
“Morning.” Sagot ni Meeko.
Kahit gulo-gulo man ang buhok niya and kahit halatang halata yung mga eye bags niya, si Meeko pa rin ang pinakamagandang babae na nakilala ko.
Umupo si Meeko sa higaan niya and then maya-maya pa, nakita ko na biglang lumaki yung mga mata niya.
“Iñigo?!” Sabi niya na parang gulat na gulat.
“Bakit?” Tanong ko naman sa kanya.
Anong nangyayari? Bakit parang gulat na gulat siya? Ayaw niya ba akong makita?
“Bakit ka—“ Sabi niya pero bigla niyang tinakpan yung bibig niya. “Sandali, sandali.” Sabi niya habang nakatakip pa rin yung bibig niya kaya muffled yung sinabi niya.
Dali-dali niyang isinuot yung tsinelas niya and tumakbo papunta banyo niya. Nakasout lang siya ng malaking t-shirt and maikling shorts na halos hindi na makita sa laki ng damit na suot niya. Narinig kong nag-lock yung pinto ng banyo and kaagad na pagtunog ng tubig.
Problema nun?
After ng ilang minutes, lumabas na si Meeko ng banyo niya and then pumunta siya sa kin sa kung nasaan ako nakaupo sa higaan niya. Tinignan ko lang siya na as if tinatanong ko kung anong meron kanina and she sighed.
“Eh kasi kakagising ko lang and alam kong parang pugaran ng manok ang buhok ko kapag bagong gising ako. And isa pa, morning breath.” Explain niya sa kin.
Tumango nalang ako sa kanya. Aaminin ko medyo natuwa ako kasi kahit baging gising lang siya nun and halos wala pa sa tamang ulirat, pinilit pa rin niyang mag-ayos para sa akin kahit na siya naman na talaga ang pinakamagandang babae na nakita ko.
“So, bakit nandito ka?” Tanong niya sa kin and nung na na-offend ako sa tanong niya. Ayaw ba niyang pumunta ako dito? Pero nung nakita kong nakangiti siya, nawala yung doubts ko.
“May surprise ako sa’yo.” Sabi ko sa kanya and kaagad kong nakita yung pag-sparkle ng mga mata niya.
Hinawakan ko yung kamay niya and then pumunta kami dun sa may wall ng kwarto niya na kaharap ng bed niya, yung hindi glass.
“Tada!!” Sabi ko sa kanya.
“Huh?” Sabi niya and ang cute niya sa expression niya. Para siyang bata! Ang cute!
“Surprise ko sayo!” Sabi ko sa kanya and then kinuha ko yung malaking canvas na sa sobrang laki alam kong masasakop ang halos kalahati ng wall niya na to.
“Ano yan?” Tanong niya sa kin.
Halos kasingtangkad ko kasi yung canvas and halos dalawang dipa ko rin yung haba nito. So, talagang malaki nga. Mas matangkad pa nga ito kay Meeko eh. Nakatakip ito ngayon ng Manila paper and binitawan ko yung kamay ni Meeko.
“Open it.” Sabi ko sa kanya and then tumayo ako sa bandang likod niya.
Lumingon siya sa kin and I nodded at her encouragingly. She took two steps forward and pinunit niya yung Manila paper sa bandang gitna ng canvas. Nung makita niya kung anong nasa canvas, narinig ko yung gasp niya. Agad niyang pinunit yung natitirang Manila paper sa canvas hanggang sa makita na niya yung kabuuan ng canvas.
BINABASA MO ANG
Si Kuya Piso
Teen FictionOnce is coincidence . . . Twice is fate . . . Pero paano kung paulit-ulit nang nangyayari? Fate pa rin ba? O iba na?