Chapter 18

24 0 0
                                    

(Meeko’s POV)

                Hinampas ko ang noo ko ng napakalakas.

                Kakatapos lang sa kin i-explain ni Iñigo at Migs ang lahat. Apparently, si Migs na bagong kapitbahay namin ang ‘best friend’ ni Iñigo na ikinikwento niya sa kin for the past week. Kaya pala parang ang familiar nung pangalan na Migs.

                “Grabe, I’m so stupid.” Sabi ko more to myself pero sinagot ako ng dalawang lalakeng kaharap ko.

                “You’re not stupid.” Sabay nilang sinabi at nagkatinginan sila sa isa’t isa.

                “Ate Meeko, saan ka pupunta? Ang ganda mo ngayon.” Sabi ni Migo at namula ako. Naku mga bata talaga hindi marunong magsinungaling!! Joke!!

                “Sus! Bolero. Sinagip ko lang yung Frisbee mo maganda na ko agad?” Sabi ko sa kanya.

                “Oo naman! Basang basa ka pa nga kanina eh. Nahulog ka sa pool niyo noh?!” Biglang sabi ni Migo at kung medyo close pa kami ng konti, siguro tinakpan ko na ng kamay ko yung bunganga niya.

                “H-ha? H-hindi ah. L-lumangoy lang ako ng biglaan sa p-pool namin.” Sabi ko sa kanya.

                SHEMAY NA BATA . . .

                “Ummm . . . Meeko, alis na tayo?” Sabi bigla ni Iñigo sa tabi ko.

                “Ay shoot!! Oo nga pala. Sige, alis na tayo. Bye Migo. Bye Migs.” Sabi ko sa kanila sabay wave sa kanila kahit magkaharap lang kami.

                “Bye Meeko. Bye Iñigo.” Sabi ni Migs sabay ngiti sa min.

                “Bye Ate Meeko. Kita tayo mamaya ha!” Sabi sa kin ni Migo.

                Okay, hindi naman ako malungkot na only child lang ako pero may mga times talaga na wish ko may kapatid ko.

                “Sure, baby boy.” Sagot ko sa kanya.

                Umalis na kami ni Iñigo at nagpatuloy sa paglalakad papuntang labasan. Pagdating dun, we got into a taxi at pumunta na kami ng mall.

O             O             O

(Iñigo’s POV)

                “Haha! Hindi ko talaga kaagad na figure out na yung Migs na best friend mo yung Migs na bagong kapitbahay namin.” Sabi ni Meeko na matawa-tawa habang naglalakad kami sa mall.

                “Okay lang naman yun noh. I mean, marami namang Migs sa mundo tapos kakakilala mo lang sa kanya kaya hindi mo naman kaagad yung malalaman lahat.” Sagot ko sa kanya.

                “Kung sa bagay.” Sagot niya habang tumatango.

                Naglalakad lang kami ni Meeko ngayon paikot sa mall at tumitingin tingin sa paligid. Kanina ko pa talaga gustung gusto na hawakan yung kamay niya. Pero pinipigilan ko ang sarili ko (at isang mahirap na trabaho yun ha). Eh kasi naman mamaya kapag bigla kong hinawakan yung kamay niya magalit siya sa kin or ma-awkward or kahit ano yung maramdaman niya na masisira ang kung ano man ang meron kami ngayon.

                Tsaka Iñigo, one week palang naman kayo nagkakakilala noh! Easily lang!!

                “So . . . close na close kayo nun ni Migs di ba? Based sa mga kwento mo.” Sabi niya sa kin.

Si Kuya PisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon