Chapter 8

25 0 0
                                    

(Iñigo’s POV)

                “Hey.” Sabi ko sa kanya.

                As much as I like her friends, nakakatuwa kaya sila, hindi ko mapaigilan na maging masaya dahil sa ngayon, kaming dalawa nalang. Everytime kasi na magkikita kami, laging may sumisingit at nadidistorbo yung pagkikita namin na yun. Sana naman wala na sigurong mandidistorbo sa min di ba?

                “Hey.” Sagot niya rin sa akin at ngumiti siya. She adjusted her glasses na unti-unting bumababa sa ilong niya. I really adore those glasses. And I really like those eyes.

                “So ganun ba sila palagi?” Tanong ko sa kanya.

                Kanina pa ako nag-iisip kung paano ko siya kakausapin. I don’t want to appear too proud or too boring to her. I just want to be . . . ME.

                Tumawa siya and hindi ko mapigilan ang sarili ko ngumiti sa pagtawa niya. Ang ganda ng tawa niya. She adjusted her glasses again and then looked at me.

                “Haha . . . oo ganyan yang dalawa na yan. Maingay at laging nag-aasaran. But I’m used to them. We’ve been together simula kindergarten pa.” Sagot niya sa kin.

                “They seem like really good friends.” Sabi ko sa kanya.

                “Yeah they are.” Sagot niya sa kin.

                Bigla kaming tumahimik and an awkward silence fell between us. Naku naman!! Iniiwisan ko to eh!! Isip Iñigo isip!!

                “Hindi kayo magkamukha ni Ate Carmy.”

                Sa sobrang pag-iisip ko ng conversation opener namin, nagulat ako sa sinabi ni Meeko. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya at namula siya. Maya-maya pa yumuko siya and biglang nag-fidget.

                “Huh?” Sabi ko sa kanya.

                “Halaaaaaaa!!! SORRY!!” Biglang sabi niya with matching tango ng ulo niya and hand gestures. “I didn’t mean it that way!! It’s just that . . . hindi lang talaga kayo magkamukha . . . SORRY HA!! Na-offend ba kita? SORRY!!”

                Mukha siyang bata na natatakot pagalitan sa ginagawa niya ngayon. I find her cute right now. I laughed softly and she raised her head and looked at me.

                “Wala yun.” Sabi ko sa kanya. “You’re not the only one that said that. I pretty much get it from everybody.”

                Nakita ko yung relief sa mukha niya nung sinabi ko yun and ngumiti na siya sa kin.

                “Sorry ha.” Sabi niya ulit and smiled apologetically.

                “Wala yun.” Sagot ko sa kanya.

O             O             O

(Meeko’s POV)

                Grabeeeeeeeeeeee!!!!! Bakit ko ginawa yun?!?!?!

                Ini-imagine ko na binabatukan ko ang sarili ko dahil sa kakrung-krungan ko. Minsan talaga nagsasalita ako ng hindi iniisip. Buti nalang at hindi na-offend si Iñigo. Hay naku Meeko!!

                “So . . . saan ka nag-aaral?” Tanong sa akin ni Iñigo.

                “Ummm . . . sa Dr. Mariano Integrated.” Sagot ko sa kanya. I saw his eyebrows shot up and I pushed my glasses up my nose.

Si Kuya PisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon