(Meeko’s POV)
“Babes . . . hindi ko akalain nandito na tayo. Parang feeling ko nananaginip pa ako.” Bulong sa akin ni Pami na katabi ko dito sa Auditorium.
Sa kinahaba haba ng paglalakbay, sa entablado din ang bagsak. GRADUATES na kami!!!!!!!! Well, actually maya-maya pa yun. Kinukuha palang namin yung diploma namin ngayon. Konti lang naman ang population ng batch namin kaya hindi naman masyadong mahaba yung program. Nasa first section kami nila Pami at Lee kaya kami ang mauunang makakakuha ng diploma namin.
Nung tinawag na kami ng adviser namin, pumila na kami sa gilid ng stage and hinintay na tawagin ang pangalan namin. Tama nga si Pami, ilang moments nalang official graduates na kami pero feeling ko hindi ko pa rin yung ramdam. Parang nananaginip nga ako eh. Pero ngayon na paakyat na kami ng stage, bigla kong naramdaman yung kaba and kaagad na namawis yung kamay ko. At dahil air con dito sa auditorium, nanlalamig tuloy yung kamay ko.
“Babes . . . kinakabahan ako.” Sabi ko kay Pami nung ako na yung tatawagin na susunod. Hinawakan niya yung braso ko and naramdaman ko na sobrang lamig din nung kamay niya and nagpapawis din ito.
“Wag kang mag-alala babes . . . di ka nag-iisa.” Bulong niya sa kin.
“MEEKO CARIZ B. LOPEZ!!!” Sigaw ng Adviser namin and agad naman akong umakyat ng stage.
Sinalubong ako ng mga palakpakan and napansin ko na may nagsisigawan. Hindi naman ako sikat sa school namin kaya nagulat ako nung biglang may nagsisigawan. Habang naglalakad, tinignan ko kung saan nanggaling yung ingay and I saw my Mom, Dad, Manong Ben, Dina, Migs, Iñigo, Tita Beverly and Tito Joe standing on their feet and clapping erratically at me. Sina Dad, Migs and Iñigo yung sigaw ng sigaw kaya tuloy pinagtitinginan sila ng mga tao.
I waved at them and then went on to receive my diploma from our Principal and shook hands with the other staff. Pakiramdam ko ngalay na ngalay na yung kamay ko sa pakikipag-kamay sa kanila bago matapos yun eh. I showed my diploma and then bowed at bumaba na nga stage. Hindi naman tumigil yung mga kapamilya ko sa ‘pag-cheer’ hanggang sa nakaupo na ako sa upuan ko.
“PAMI JANE LUNA!!!!”
I clapped really hard and loud nung si Pami na yung umakyat sa stage. I was really happy na graduate na talaga kami. Maya-maya pa, umupo na rin si Pami sa tabi ko.
“Wow ha . . . di ko alam may cheer squad ka pala. And kasama pa ang whole family ni Iñigo ha. Awww . . . suweeet naman non!!” Bulong ni Pami.
Oo nga pala, sina Tita Beverly and Tito Joe yung parents ni Iñigo. I met them the day after nung game kung saan dinala si Iñigo sa hospital for x-ray. Nung una kabadong kabado ako kasi akala ko hindi nila ako magugustuhan. Pero nung magpapakilala na ako sa kanila, bigla akong niyakap ni Tita Beverly and sinabi niya na no need ko na daw magpakilala kasi kilalang kilala na daw nila ako. wala daw kasing ibang bukambibig si Iñigo kundi ako. Ano pa nga bang masasabi ko repapips kundi . . . ANG HABA NG HAIR KO NOH?!?!?! Muhahahahahahahahaha!!!!!
BINABASA MO ANG
Si Kuya Piso
Teen FictionOnce is coincidence . . . Twice is fate . . . Pero paano kung paulit-ulit nang nangyayari? Fate pa rin ba? O iba na?