(Iñigo’s POV)
Dumiretso ako sa locker rooms with a new push of perseverance and determination to get that trophy to my hands.
“Bro . . . bantayan mo si Meeko ha.” Sabi ni Migs sa kin nung pumunta ako sa bench kung nasaan siya.
“Yeah . . . nakita ko kanina si Dimaculangan nakatingin. Anak ng . . . kumulo dugo ko bro.”
I really wanted to have Meeko there on the sides habang naglalaro kami pero parang nagsisisi na ako kasi halos lahat dito lalake and masyadong mainit sa mata si Meeko. Marami na rin akong naririnig kanina sa may labas palang kami. Pero good thing at parang hindi naman yung napapansin ni Meeko.
I tied my shoe laces and tumayo na kami ni Migs papunta kung nasaan yung iba at si Coach. Inexplain niya ulit sa amin yung strategy namin and we listened very closely. If we manage to pull this off, siguradong matatalo namin ang mga d@#$ heads na yun.
“GO TEAM!!!” Sigaw namin and pumunta na kami sa pwesto namin sa gilid ng field. It really sucks na napunta kami sa pwesto kung saan malayo sa mga bleachers kaya ibig sabihin malayo din ako kila Meeko.
I scanned the crowd na nakaupo and hindi naman mahirap hanapin si Meeko kasi suot suot niya pa rin yung varsity jacket ko. Nakita kong katabi na niya sina Pami at Lee at nag-uusap sila. Maya-maya pa, nakita kong tinuro ako ni Pami at agad na napatingin sa akin si Meeko. She waved at me and I waved back at her. God kahit malayo ang ganda pa rin niya.
Habang naglalakad kami papunta sa side namin ng field, napadaan kami sa tapat ng soccer team ng Ferro Academy.
“Tol . . . yun oh. Yung kumakaway ngayon. Tignan mo.” Sabi ni Jerry Dimaculangan na isa sa pinakamayabang sa grupo nila.
“Ang tanga mo. Ang daming kumakaway kaya! Pag yan hindi maganda isang sapak ha.” Sabi ni Paulo Madrigal na team captain nila at ang pinakamayabang sa lahat.
“Ayan tuloy binaba na niya yung kamay niya. Tignan mo yung buong second row ng bleachers. Yung babaeng nakaupo sa gitna na nakasuot ng varsity jacket ng Santo Benedikto (yan ang tawag nila sa school namin kapag inaasar nila kami).” Sabi ni Dimaculangan.
“Shet tol maganda nga. Sa tingin mo makaka-score ako diyan?” Sabi ni Madrigal.
“Mukha namang inosente pre. Daanin mo nalang sa mga ‘da moves’ mo.”
ANAK NG!! G@#$ PALA TONG MGA TO EH!!!!
Tumigil ako sa paglalakad at tumigil din si Migs kasi magkatabi lang kami kaya alam kong narinig din niya yun. Tinignan namin ang isa’t isa at pumunta sa kanilang dalawa.
“May sinasabi ka brad?” Sabi ko sa kanya at pinigilan ko ang sarili ko na hawakan ang kwelyo niya mahirap na baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masapak ko to ma-disqualify pa kami
“Oh Pangilinan . . . bakit nandito ka? Di ba dun kayo sa kabila? Suko ka na ba ha? Pagod ka na ba na lagi nalang naming tinatalo yung team niyo kaya lilipat ka na?” Sabi sa kin ni Madrigal at nagtawanan sila ni Dimaculangan.
“Di ako papasok sa isang team kung saan pwedeng bayaran para lang makapasok.” Sagot ko sa kanya dahil alam naman ng lahat na kaya siya nakapasok sa team ay dahil sa binayaran ng tatay niya and principal ng school nila.
BINABASA MO ANG
Si Kuya Piso
Teen FictionOnce is coincidence . . . Twice is fate . . . Pero paano kung paulit-ulit nang nangyayari? Fate pa rin ba? O iba na?