Chapter 15

21 0 0
                                    

(Meeko’s POV)

                “Huwat?!?! Ginawa niya yun?!?!” Sigaw ni Pami sa tenga ko.

                “Pami naman!! Kakalinis ko lang ng tenga ko wag mo ng linisin pa. Ang sakit sa tenga ng boses mo babe.” Sabi ko sa kanya habang hinihimas yung tenga ko na sinigawan niya.

                “Sorry babe. Pero di nga . . . GINAWA NIYA TALAGA YUN?”

                “Oo. Pinuntahan niya ko sa school tapos hinatid niya ko sa bahay. Nakilala pa nga niya parents ko eh.”

                Lalo pang lumaki ang mga mata ni Pami sa narinig niya. Maya-maya pa, a devious smile appeared on her lips.

                “Ikaw ha . . . ang FAST mo naman. Ilang araw palang kayong magkakilala meet the parents na agad.” Sabi ni Pami sabay bump ng hips niya sa hips ko.

                “Lol hindi noh. Nagkataon lang na umuwi ng maaga sila Mommy at Daddy. Medyo naawa nga kasi ako sa kanya eh. Tingin ng tingin sa kanya si Daddy. Nakita kong medyo uncomfortable siya.” Sabi ko kay Pami.

                “’Chris scene’?” Tanong ni Pami.

                Alam kong tinatanong niya yung naging attitude din ng Daddy ko nung pumunta si Chris sa bahay para gumawa kami ng project.

                “Yup. Definitely a ‘Chris scene’.” Sabi ko sa kanya at tumawa ako.

                “Naku . . . kawawa naman pala kung ganun si Iñigo bebe mo.”

                Napatigil ako sa paglalakad at tinaasan ko ng isang kilay si Pami.

                “Iñigo bebe ko?” Sabi ko kay Pami.

                “Sus . . . deny ka pa. Halata namang inlababo ka dun noh! Sabi na nga ba tama ako eh.” Sabi ni Pami sa kin.

                “Tama saan?” Tanong ko sa kanya at nagpatuloy kaming maglakad papunta sa room namin.

                “Once is coincidence, twice is fate. At kayo ni Iñigo, soul mates!”

O             O             O

                Saturday ngayon and hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o hindi. Simula kasi nung Monday, lagi na akong pinupuntahan ni Iñigo sa school and ihahatid niya ako pauwi. Minsan kasama sila Pami at Lee at minsan kaming dalawa lang.

                Sinabihan ko siya nun na baka naman nagiging hassle na yung pagpunta niya sa bahay namin pero sabi niya okay lang daw yun basta makita niya lang ako. Ako naman, kinilig kilig sa palda ko. Ahihihihi.

                Pero ngayon na weekends na, ibig sabihin nun hindi ko na siya makikita for two days. Awww . . . huhuhuhu. Feeling ko mamimiss ko si Kuya Piso.

                Bumangon ako ng higaan ko and then agad na pumunta sa glass part ng kwarto ko. Yung part na nakaharap sa front yard namin. Binuksan ko yung mga kurtina and then hinayaan na pasukin ng sinag ng araw yung kwarto ko. Ang ganda ng araw ngayon, sunny and warm.

                Bumalik ako sa higaan ko and then umupo dun. Nakita ko yung cellphone ko sa bedside table ko kaya kinuha ko yun. Nakita ko na may text message ako.

1 New Message from: Iñigo :)

                Mornin sunshine =) U up already? =)))

Si Kuya PisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon