(Migs’ POV)
“I want you to stay away from Meeko. I want you to leave her alone.”
Pagkatapos kong marinig ang sinabi na yun ni Iñigo, wala akong nagawa kundi ang matawa. Nakita ko naman na kaagad na naging kamao ang mga kamay niya. Uh oh. I think I hit a nerve.
“Talaga Iñigo? Ganyan ka na ba ngayon? Hindi ka naman ganyan ka . . . POSESSIVE dati ah.” Sabi ko sa kanya.
The truth is, hinihintay ko nalang talaga ang oras na to na sabihin sa kin ni Iñigo ang mga salitang to or anything else na parang ganito din.
“Well . . . before, I didn’t have someone to be possessive with. That’s why I’m telling you to STAY AWAY.” Sagot niya sa kin and napapansin ko na nagsi-slip na yung control niya.
“Talaga? So ngayon protective ka naman? Parang dati talaga hindi ka naman ganyan.” Sabi ko ulit sa kanya and I still soung amused kaya alam kong he’s getting pissed off.
“Dahil kailangan kong protektahan ang babaeng pinakamamahal ko.”
“From who? From me? Hindi ka lang pala naging possessive at protective. Naging tanga ka na rin. Sa tingin mo talaga magagawa ko yun sayo?”
“Don’t b@#$%^&* me! We both know you like Meeko. Akala mo hindi ko alam yung kahulugan ng mga tingin mo sa kanya? Hindi ako g@#$ Migs! T@#$%^&*( ako oo pero hindi ako g@#$. Sa kinatagal tagal nating magkasama alam kong may gusto ka sa girlfriend ko. Kaya LAYUAN mo na siya.”
“So ano naman ngayon kung may gusto ako kay Meeko? Natatakot ka? Ha? Natatakot ka na agawin ko siya sayo?”
Ayan na. Nasabi ko na sa kanya. Ang tagal ko ng tinatago at nilalabanan yung pagkahulog ko kay Meeko pero hindi ko talaga magawa eh. Ang hirap hirap hindi mahulog sa isang babaeng katulad ni Meeko. Masisisi niyo ba ako?
“Eh di inamin mo na rin! Akin lang siya Miguel. AKIN LANG. And I F@#$%^& want you to stay away from her!!!”
“Afraid of a little competition Iñigo?” Kahit kailan hindi pa kami nag-aaway ni Iñigo at hindi ko inakala na isang babae lang ang makakapag-paaway sa amin.
“I don’t care about competition you d@#$%^&! I want you to know your limitations and to eep your hands off her. Sinabi ko na di ba? Akin na siya. AKIN LANG SIYA.”
“Bakit? Mag-asawa na ba kayo? Hindi pa naman di ba? Paano pag gumising siya isang araw at ayaw na niya sayo? Aangkinin mo pa rin ba siya?”
“Hindi magagawa sa kin ni Meeko yang sinasabi mo.”
BINABASA MO ANG
Si Kuya Piso
Novela JuvenilOnce is coincidence . . . Twice is fate . . . Pero paano kung paulit-ulit nang nangyayari? Fate pa rin ba? O iba na?