(Meeko’s POV)
Umalis ako sa sala and then pumunta sa kitchen nila Lee para uminom ng tubig. Konti lang naman yung nakain kong cake pero maya-maya pa, naramdaman kong naninikip yung dibdib at throat ko. Sinubukan ko lang inuman ulit ito ng tubig pero pakiramdam ko lalo pa itong lumala at nagsisimula na rin akong pagpawisan.
Iniangat ko yung sleeves ng damit ko para tignan yung braso ko and there a saw a lot of small red pigments. Tinignan ko din yung kabilang braso ko and ganun din yung nakita ko.
Oh no . . .
Nilabas ko ang phone ko para tignan yung oras. Quarter to seven na. I opened my phone and dumiretso ako sa phonebook ko. I scrolled for my mom’s number and then tinawagan siya. Pero walang signal dito sa kusina kaya di ko siya ma-contact. Nakita ko yung pinto na papalabas sa kusina nila Lee and papuntang labas ng bahay kaya dumaan ako dun. I called my mom’s number again and then she answered on the second ring.
“Hi, baby. You going home na?” Sabi sa kin ni Mommy.
“Yes mom . . . could you tell Manong Ben to fetch me? I don’t feel so good.” Sagot ko sa kanya.
“Why baby? What’s wrong?” Agad kong narinig yung pag-aalala sa boses ng Mommy ko.
“Kumuha kami ng cake ni Kuya Andrew . . . I didn’t know that there were nuts there and . . . I kinda took a bite . . .” Sagot ko sa Mommy ko.
“Oh my god . . . Anong nararamdaman mo ngayon baby? Are you OKAY?!” Nagpapanick na yung Mommy.
“I’m fine Mom. Medyo naninikip lang yung chest ko and throat ko. Tsaka, nagsa-start na ring lumabas yung mga red pigments. But other than that, I’m fine.”
Okay, now I’m having trouble breathing pero ayoko nang dagdagan pa ang pag-aalala ni Mommy.
“Oh my god . . . okay, okay . . . papapuntahin ko na siya si Manong Ben. Just wait for him okay? I love you, baby.”
“Love you too, Mommy.”
I hung up and then pumasok na ako ng bahay. Nakita ko sila Pami, Lee at Iñigo sa sala kung saan ko sila iniwan kanina na mag pinag-uusapan. Mukhang seryoso ata kasi yung mga expressions nila seryoso and mukha silang nag-aalala. Nung makita na nila ako na papalapit sa kanila, they sighed and then nag-shift yung expressions nila into relief. Lalo na si Iñigo.
Kung hindi lang ako inaatake ng allergies ko ngayon sobrang kinilig na ko. I mean, kinikilig pa rin ako pero medyo nabawasan dahil nga medyo nahihirapan na akong huminga. Shemomai ang pogi ni Iñigo!! Hahahaha!!
“Guys . . . I think I should go home . . . I . . . I don’t feel so good . . .”
Sabi ko sa kanila and bumalik ulit yung pag-aala sa mga mukha nila. Tumayo agad si Pami at Lee habang si Iñigo naman nakatingin lang sa kin.
“Oh my god Meeko namumula ka!! Okay ka lang ba?” Sigaw ni Pami sa tabi ko sabay hawak sa mga kamay ko.
“Is it the cake? Oh shit!! I think it was the cake. Yung cake yun di ba?!” Sabi ni Lee sa kin sabay hampas sa noo niya.
Tumango lang ako sa kanila and then tumingin ako kay Iñigo. ‘Are you okay?’ he mouthed at me.
SHEMOMAIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII!!! Hihihi kinikilig akoooo!!!
BINABASA MO ANG
Si Kuya Piso
Teen FictionOnce is coincidence . . . Twice is fate . . . Pero paano kung paulit-ulit nang nangyayari? Fate pa rin ba? O iba na?