(Meeko’s POV)
I opened my eyes and ang una kong nakita ay yung malaking canvas na regalo sa kin ni Iñigo. I looked at it and unti-unti akong napangiti.
I love you Iñigo.
Pero maya-maya pa, parang mga batong ibinabato sa kin yung mga pangyayari kanina. Blow by blow, image by image word by word mas nadudurog yung puso ko.
Mahal na mahal kita Meeko pero I don’t know if you love me too . . .
Mahal na mahal kita Meeko pero I don’t know if you love me too . . .
Mahal na mahal kita Meeko pero I don’t know if you love me too . . .
Mahal na mahal kita Meeko pero I don’t know if you love me too . . .
Agad akong tumayo and the moment na ginawa ko yun, biglang umikot ang buong mundo ko. As in literal na umikot.
“Uy . . . hinay hinay lang . . .”
I looked up and nakita ko si Pami sa tabi ko and suot suot niya yung t-shirt ko and shorts. Napansin niyang nakatingin ako sa t-shirt niya kaya agad siyang nagsalita.
“Pahiram muna ha . . .” Sabi niya sa kin.
“Oo naman.” Sagot ko sa kanya and talo ko pa ang mga ermitanyo sa mga palabas dahil sa sobrang paos and raspy ng boses ko.
“Meeko . . . okay ka lang ba?” Tanong niya sa kin and nung makita ko yung concern sa mga mata niya . . . bumalik na naman ang mga luha sa mata ko.
“Pami . . . Pami tell me the truth . . .” Hindi ko magawang masabi kay Pami kung iniisip ko dahil baka tama ako.
Tumingin lang sa kin si Pami na may awa sa mga mata niya and then dahan dahan siyang tumango. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko and dahan dahan na silang pumtatak hanggang sa tumuloy tuloy na.
Niyakap ako ni Pami and hinayaan niya lang ako umiyak sa kanya. Bakit? Bakit ba nangyayari to? Ang sakit sakit. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Pakiramdam ko wala akong pwedeng gawin para mawala yung sakit na nararamdaman ko na to eh.
Maya-maya pa tumayo na ako and I started taking my clothes off in front of Pami.
“What are you doing?” Tanong niya sa kin na clearly naguguluhan na sa pinaggagagawa ko.
Hindi ko siya sinagot. Instead, I grabbed the first t-shirt and jeans na nakita ko sa drawer ko and agad ko yung sinuot. Kinuha ko yung bag ko na maliit and agad kong nilagay yung cellphone ko dun and wallet ko.
“Meeko!! What the hell are you doing?!?!” Sigaw ulit ni Pami na dinedma ko ulit.
Lumabas ako ng pinto ng kwarto ko and agad na bumaba ng hagdan.
“Meeko stop!!!” Sabi ni Pami at the same time na tumigil ako sa hagdan.
“Meeko . . . I’m sorry.”
Tumingin ako kay Migs and hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Galit ako sa kanya pero at the same time naaawa din ako kasi ang dami niyang pasa dahil sa mga bugbog na inabot niya kanina kay Iñigo.
BINABASA MO ANG
Si Kuya Piso
Teen FictionOnce is coincidence . . . Twice is fate . . . Pero paano kung paulit-ulit nang nangyayari? Fate pa rin ba? O iba na?