Chapter 16

27 0 0
                                    

(Meeko’s POV)

                “Hello.” Sabi ko dun sa bata.

                “Hello po, Ate. Ummmm . . . diyan ka po ba nakatira?” Tanong niya sa kin.

                “Oo. Bakit?”

                “Ate, nakikita mo po ba diyan yung Frisbee ko? Lumipad po kasi diyan kanina nung hinagis ko po eh.”

                “Ganun ba. Sige, wait lang ha.”

                Bumaba ako ng monoblock at sinimulan na hanapin yung Frisbee nung bata. Tinignan ko sa mga bushes and sa mga tanim tanim sa paligid ng backyard namin pero hindi ko pa rin yun makita. Maya-maya pa, something caught my eye. Sa gitna ng pool namin, may nakalutang na volor red na Frisbee.

                Umakyat ulit ako dun sa may monoblock at nakita ko na nakaupo yung bata dun. Nung nakita niya yung ulo ko, agad siyang tumayo.

                “Ate, nakita mo po?” Tanong niya.

                “Oo. Nadun siya sa gitna ng pool namin. Ummm . . . anong pangalan mo?” Tanong ko sa kanya.

                “Migo po.”

                “Sige, Migo, kukunin ko yung  Frisbee mo ha. Tapos sasabihin ko nalang sayo kung nakuha ko na.”

                “Okay po. Thank you po, ate  . . .?”

                “Meeko.” Sabi ko sa kanya.

                “Thank you po ate Meeko!!”

                Bumaba ako sa monoblock at pumunta dun sa gilid kung saan nakalagay yung net na ginagamit namin para kunin yung mga tuyong dahon na napupunta sa pool. Pumunta ako sa gilid ng pool para makuha yung Frisbee gamit yung net pero bigla itong lumayo dahil sa pagtama ng net sa tubig. Lumipat ako sa kabilang side at lumayo ulit yung Frisbee.

                GRABE LANG. PINAGTITRIPAN ATA AKO NG FRISBEE NA TO.

                I took a step forward hanggang sa nasa rim na ako ng pool. Humawak ako sa pool ladder at ginamit yung free hand ko para kunin yung Frisbee. Just as maaabot ko na sana to, biglang dumulas yung kamay ko pool ladder and I came crashing down towards the water.

                SHEMOMAI NAMAN OH!!!!!

                Naka-pantulog pa ako at suot suot ko pa ang tsinelas ko na ngayon at lumulutang na sa harapan ko. Nilagay ko nalang yung net sa may gilid ng pool kung saan ako nakatayo kanina at sariling sikap nalang na kinuha yung Frisbee.

                Naku naman!!!! Wala kaya sa plano ko ang tumalon sa pool habang nakapantulog ngayon!!! KAINIS!!!!

                Nung makuha ko na yung Frisbee pumunta ako sa pool ladder at lumabas na ng pool. Pumunta ako sa may part ng wall kung saan tingin ko nandun si Migo. Nagtutulo ako ngayon at yung mga damit ko dumidikit sa balat ko. buti nalang maaraw kaya di masyadong malamig.

                “Migo?!” Sigaw ko.

                “Po Ate Meeko?!” Hay, mabait na bata sumasagot.

                “Nakuha ko na!!! Ihahagis ko nalang diyan, okay?!”

                Inihagis ko yung Frisbee at dahil sa naging madulas ang kamay ko dahil sa tubig, hindi ito lumampas ng pader. Instead, bumangga ito doon at bumalik sa akin at tinamaan ako sa noo.

Si Kuya PisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon