(Iñigo’s POV)
Pagkatapos ng check-up ko, umuwi kami kaagad at kaagad akong nag-impake ng damit kasi dun ulit ako magsastay sa condo ni Ate Carmy. Ngayon kasi na nag-summer job siya, hindi siya makakauwi sa bahay. Which is both a bad thing and a good thing. Bad, kasi yun nga hindi siya makakuwi sa bahay namin. Good naman, kasi ngayon na sa condo lang siya, pwede ako mag-crash sa place niya at mas mapapadali nalang angpagpunta ko kay Meeko.
The thought of Meeko had me looking at the bouquet of red roses sa kamay ko. Nag-LRT lang kasi ako papunta sa kanila (dahil sixteen palang ako and I am not allowed to have a car YET) dala-dala ang mga flowers na to kaya naman habang nakasakay ako, lahat ng tao sa LRT pinagtitinginan ako. mero pa ngang mga gays (probably my age) na tinanong ako kung sa kanila ko daw ba ibibigay yung mga flowers. I mean WTF?! And of course nandyan yung mga babae that kept on giving me flirty looks. THAT I’m used to. Hehehe.
I was so happy habang naglalakad papasok ng villa nila Meeko (hindi na nila ako hinihingan ng ID kasi kilala na ako ng mga security guards sa araw araw na pagpunta ko dito) kaya naman hindi ko inihanda ang sarili ko sa nakita ko sa tapat ng bahay nila.
My GIRLFRIEND is lying on TOP of my BEST FRIEND. WHAT THE F@#$?!?!?!?!?!?!
Nagtatawanan pa silang dalawa and hindi nila ako napansin na nakatayo sa harapan nila. AH T@#$ %^&!!!!!
“AHEM.” Sabi ko.
They both looked up and suddenly they wore an expression similar to a thief caught red handed. Tinignan nila ako and ako naman tumingin ako pabalik balik sa kanila. Hindi kami nagsalita for after a while and then bigla nalang nagsalita si Migs.
“It’s not what you think.” Sabi niya sa kin.
To my relief, kinuha na niya ang mga kamay niya na nakapalibot kay Meeko (uulitin ko, WHAT THE F@#$!!!!!!!!) and then si Meeko naman umupo sa tabi niya.
“Then tell me what I should think it is.” Sabi ko sa kanila. My voice sounded controlled and calm kahit alam ko na sa kaloob looban ko, gusto kong patayin si Migs.
“It’s my fault!!” Biglang sabi ni Meeko bago pa makapagsalita si Migs.
P@#$%^!!! Pinagtatanggol ba niya si Migs?!?! P@#$ %^&!! L@#$%!!!
And daming pumapasok sa isip ko ngayon na mga bagay bagay na hindi ko gustong pumasok sa isip ko. Pero sinubukan kong hindi makinig sa kanila hangga’t hindi ko pa alam ang totoo. Kaya naman, kailangan ko ng malaman yung totoo.
“And why is that?” Tanong ko kay Meeko.
She bit her lower lip na napapansin kong lagi niyang ginagawa kung kinakabahan siya or di naman kaya nahihiya siya. She looked at me and I looked into her eyes that I love so much.
“Kung ano man yang iniisip mo, sasabihin ko sayo IT’S NOT WHAT IT IS.” Sabi niya sa kin and nakikita ko namang nagsasabi siya ng totoo. Kaya naman nararamdaman kongmedyo nababwasan yung galit at takot na nararamdaman ko. “Kaninang umaga, after you called, I was bored out of my mind and naisipan namin ni Migs na mag-skateboarding. I got really curious and naisip ko na kaysa mamatay ako sa boredom, I’d like to give it a shot.”
Tumigil si Meeko sa pagsasalita and nakita ko naman sa mga mata niya na totoo ang mga sinasabi niya. And sa pagkakakilala ko kay Meeko, hindi siya nagsisinungaling. Hindi siya MARUNONG magsinungaling.
BINABASA MO ANG
Si Kuya Piso
Teen FictionOnce is coincidence . . . Twice is fate . . . Pero paano kung paulit-ulit nang nangyayari? Fate pa rin ba? O iba na?