(Meeko’s POV)
“Today’s the day!!!! Happy Birthday sa atin guys!!!”
Pagkakita na pagkakita palang sa amin ni Pami agad na niya kaming niyakap ni Lee. Sa tingin ko dapat ko ring sabihin sa inyo na hindi lang kami pagiging bestfriends ang common denominator namin nila Lee at Pami kundi parehas din kami ng birthday. Actually dun nga sa hospital nagkakilala yung mga nanay namin eh. Pero si Lee ang pinakamatanda sa amin by five hours. Si Pami naman mas matanda sa akin by three hours kaya ayon, ako ang pinakabunso sa aming tatlo.
“Di ka naman halatang excited niyan.” Sabi ko sa kanya habang inuubos niyang pigain yung hangin sa katawan ko dahil ang higpit ng pagkakayakap niya sa min.
“Di nemen mesyede. Hay naku!! Di ba kayo excited? Birthday natin ngayon and I think this will be the best birthday evah!!!” Sigaw niya sa mga tenga namin ni Lee.
Sabay namin siyang tinulak ni Lee papalayo sa min kasi kung hindi kami mamatay sa kawalan ng oxygen eh malamang mabibingi naman kami.
“Anong masaya dun?” Sabi ni Lee na halatang BV.
Ngayon kasi, napagkasunduan ng mga parents namin na i-celebrate yung birthday namin sa isang beach resort kung saan members sila ever since the world began. Dahil members sila sa resort na to, halos pabalik balik na kami dito. Pero what’s different ngayong year is that pinayagan nila kaming mag-party party sa isa sa mga private islands na nakapalibot at sakop nung resort. Isa kasi ito sa mga privileges na ino-offer ng resort. And take note, mas masaya to kasi ang party namin sa island, no adults around. Siyempre nandun yung staff ng resort na magbabantay sa amin pero walang parents and other people. Ohhhh . . . saya di ba?
“Um LAHAT?! Ano ba problema mo? Bakit parang sobrang powerful ni gravity diyan sa simangot mo?” Sagot ni Pami sa kanya.
“Eh kasi nagsasawa na ako sa inyo. Don’t get the wrong impression pero nagsasawa na kasi ako sa pagmumukha niyo ni Meeko. Tapos ngayon, buong araw ko kayong makaksama at wala man lang akong makikitang mga babae na naka-bikini para ma-distract ako.” Sagot niya.
“Ikaw talaga kahit kelan napaka-perv mo!!” Singhal sa kanya ni Pami.
“Eh sa lalake ako eh. Anong gusto mong gawin ko?” Lalong nagmukhang BVsi Lee.
Bago pa sumabog ang ulo ng mga kaibigan ko, pumagitna na ako sa kanila.
“Lee . . . bespren . . . wag kang mag-alala. Pinasama ko naman sina Iñigo tsaka Migs eh kaya di ka magiging loner. Tsaka nung magkausap kami ni Iñigo kagabi sabi niya isasama daw nila ni Ate Carmy yung pinsan nila na nagbabakasyon sa kanila. Lalake din ata yun eh kaya fear not yung one.” Sabi ko sa kanya.
“Talaga?” Sabi niya.
“Oo naman. Nagtaka ka pa diyan kay Meeko eh hindi na yan mahiwalay kay Iñigo simula nung naging sila.” Sabi ni Pami at siya naman yung na-BV.
“Selos ka naman.” Sabi sa kanya ni Lee kaya binelatan siya ni Pami.
“Pami? Totoo ba yung sinabi mo?” Tanong ko kay Pami.
Ganun ba talaga yung iniisip at nararamdaman ni Pami? Na inuubos ko nalang palagi yung oras ko kay Iñigo? I mean, oo laging nasa bahay si Iñigo and lately hindi na kami nagkakasama ni Pami kaso lang kahit gustuhin ko man na pumunta sa bahay niya ang mag-hang out dun, nahihiya ako kasi feeling ko intruder ako sa time niya kasama yung Daddy niya na minsanan lang kung makauwi.
BINABASA MO ANG
Si Kuya Piso
Teen FictionOnce is coincidence . . . Twice is fate . . . Pero paano kung paulit-ulit nang nangyayari? Fate pa rin ba? O iba na?