(Meeko’s POV)
Tumakbo ako papuntang gate at hindi na ako nagpatumpiktumpik pa karakarakang binuksan ko ito.
“Hey.” Sabi ko.
“Hey.”
Shemayyyyyyyyyyy . . . ilang linggo palang kami hindi nagkikita ni Iñigo halatang halata naman na namiss ko siya. Nakakahiya ka Meeko!!!! Magbartolina ka na nga sa kwarto mo!!!!
Pinapasok ko siya and then we proceeded to my house. Pagkabukas ko ng pinto . . .
“HI IÑIGOOOOO!!!” Sabay sabay na sinabi ni Pami at Lee na rinig na rinig sa buong bahay namin.
Nyemay . . . bakit ba ganito ang mga kaibigan ko?!?!
“Jusko!! Kala ko naman may sunog na sa labas sa bilis ng takbo ng ISA diyan pagkatapos maka-receive ng text. Kala mo hinahabol ng mga aso eh!” Pasigaw na bulong ni Lee.
Nak ng!!! Bwisit na lalake to ah!!
“Lee . . . gusto mo nang umuwi? Pwede ka nang MAKAALIS.” Pa-inosentneg sabi ko sa kanya pero yung mata ko nanlilisik.
Tumawa siya and the ibinalik nalang yung mata niya sa TV namin.
“Wag mo nalang silang pansinin. Mga bangag pa yang mga yan.” Sabi ko kay Iñigo.
“Bangag? Bakit naman?” Tanong niya sa kin habang umuupo kami sa sofa.
“Eh kasi HITLER ang lahat ng mga teachers namin, ang dami dami nilang pinapagawa at samahan pa ng dalawang GC na tao kaya BOOM!! Bangag!!” Sabi ni Lee with matching hand gestures pa.
“GC? Mas mabuti nang GC kaysa sa ibang tao diyan na pa-petiks petiks lang. Feeling kasi niya nakikita ang sagot sa mga tests sa kisame eh.” Parinig ni Pami.
“Excuse me, hindi ako nakatingin sa kisame noh. I’m asking for guidance and divine intervention.” Sagot naman ni Lee.
“Ay Lee! Bakit ka nagsalita? Hindi naman ikaw yung tinutukoy ko . . . GUILTY KA?” Pa-inosenteng sabi ni Pami sabay pa-beautiful eyes.
“Guilty ka?” Sabi ni Lee na ginagaya yung boses ni Pami while making a face.
“Nyanyanyanyanyanyanyanyanya!!” Sagot ni Pami.
“Yayayayayayayayayayayayayaya!!” Bawi ni Lee.
“Okay! I think I’m gonna get snacks.” Sabi ko sabay tayo sa sofa and punta ng kitchen.
“Right behind you.” Sabi naman ni Iñigo at sinundan niya ko.
After naming gumawa ng snacks ni Iñigo, bumalik na kami sa sala. Tumigil na sa pagbabangayan si Pami at Lee (THANK GOD!!!) at kasama na rin nila ang mga parents ko. Kaya naman pala nag-behave yung dalawa kasi nandyan sila Mommy. Hehehe.
“Oh, tapos na ang World War III?” Sabi ko dun sa dalawa habang nilalapag ni Iñigo yung tray sa center table sa harap naming lahat.
Di nila ako pinansin at diretso lapang sa pagkain na ginawa namin ni Iñigo. Dahil halos magkakapatid na kami ni Lee at Pami at malaki naman yung sofa, nagkasya kaming lima dun ng nakaupo. Maya-maya naman umupo si Iñigo sa maliit na sofa sa harapan namin lima.
BINABASA MO ANG
Si Kuya Piso
Teen FictionOnce is coincidence . . . Twice is fate . . . Pero paano kung paulit-ulit nang nangyayari? Fate pa rin ba? O iba na?