Chapter 4

35 0 5
                                    

Meeko’s POV)

                Nag-thank you ako kay Manong Ben at lumabas na ng kotse. Pumasok ako ng pinto and nakita ko na naka-upo ang Daddy ko sa sofa ng sala namin. He’s wearing his glasses habang binabasa ang newspaper at umiinom ng kape.

                “Good morning Daddy.” Sabi ko sa kanya at niyakap ko siya.

                “Hey there, baby. How was church?” Tanong niya sa kin at umupo ako sa tabi niya.

                “It was good. Nasaan si Mommy?”

                Just then, nakita kong bumaba ng hagdan namin si Mommy. Halatang bagong gising lang siya kasi naka-pantulog pa rin siya. She looked down and smiled when she saw me.

                “Morning baby, church?” Tanong niya sa kin and umupo siya sa other side ni Daddy.

                She kissed my dad’s cheek and took a sip of his coffee. Tumango ako sa kanya and then ngumiti siya ulit sa kin. My Mom and Dad run our company together na namana pa ng Daddy ko mula kila Lolo at Lola. They were the ones that started the shoe making business hanggang sa lumaki ito at lumago at ngayon, may kumpanya na kami. Araw-araw kong nakikita kung gaano inaalagaan at minamahal ng mga magulang ko ang company namin. And their hardwork finally paid of! Ngayon, nag-eexport na kami ng shoes sa ibang bansa sa Asia and America. Yehey!!!

                “Mom . . . Dad . . . tumawag sa kin kanina si Pami and she said na ini-invite daw po kami ni Lee sa birthday ni Kuya Andrew. It’s actually an early celebration of his birthday na sa Tuesday pa naman. Can I go?” Tanong ko sa kanila.

                My dad looked up from his newspaper and tumingin sa kin. I looked at my mom and nakatingin lang din siya sa kin. Maya-maya pa, sabay silang ngumiti sa akin.

                “Of course, baby. Saan daw ba yung party? Do you want me to take you there?” Tanong sa akin ni Mommy.

                “Ummm . . . sa bahay lang daw po nila ata. And . . . I guess I’ll just walk nalang papunta dun. Pami told me to drop by their house on the way eh. Sabay daw po kami.” Sagot ko.

                “Oh, okay. Have fun!” Sabi sa akin ni Mommy and niyakap ko siya.

                “Thank you, thank you, thank you!” Sabi ko sa kanya.

                “Paano ako? Wala?” Sabi ng Daddy ko.

                Niyakap ko din si Daddy at agad nang tumakbo paakyat ng room ko. Tinext ko si Pami at sinabihan siya na pinayagan na akong pumunta ng party. Maya-maya pa, narinig ko na ang message tone ng phone ko.

1 New Message from: Pami

                Yehey!!! \(*O*)/ Woot woot!! XD Magbihis ka na ha! Nagbibihis na rin ako eh :))) Txt u later wen I’m done!! :* :* Luv yah! <3

                I texted her an ‘okay’ with maraming smileys at pumunta na sa closet ko para maghanap ng masusuot.

                Kinuha ko yung royal blue long-sleeved shirt ko na fit sa akin and then my pair of denim ripped jeans. I took off my dress and glasses at isinuot na yung mga yun. Habang nagbibihis ako, hindi ko maiwasang maisip si Kuya Piso and yung encounter namin kanina. Bago kami magkahiwalay, meron siyang sinasabi pero hindi ko narinig at naintidihan kung ano yun. Hayyyy . . . dati three months ang hinintay ko bago kami nagkita ulit. Ilang months na naman kaya ang hihintayin ko ngayon? Or worse, baka hindi na kami magkita ulit.

Si Kuya PisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon