(A.N.)
Yung photo po sa glid yung photo nung place :))))
********************************************************************************************
(Lee’s POV)
SA WAKAS!!!!! NAKARATING NA RIN!!!!!
Tumigil si Manong Ben sa harap ng resort and nagsibabaan na kami. Halos six hours din kaming bumabiyahe and isang beses lang kami nag-stop over kanina sa Tagaytay. Namamanhid na yung mga paa ko sa kakaupo.
Pagkapasok na pagkapasok palang ng resort, yung unang unang makikita mo is yung pool and yung dagat and yung bundok. Parang katulad nung harbor sa Rio de Janeiro sa Brazil, yung part ng dagat na nasa harap ng resort is napapalibutan ng lupa and when you ride the boat palabas nung parang opening, then you get to see the whole Pacific Ocean. Pagkalabas din ng area na yun dun makikita yung iba’t ibang maliliit na islands na pinapagamit sa mga guests.
Sinalubong kami ng mga staff ng hotel and medyo familiar na rin ang mga faces nila kasi madalas din naman kaming pumunta dito. I scanned the area and kaagad nakita yung dalawang girls na naka-bikini at nakaupo sa tabi ng pool. JACKPOT!!!
Pupunta sana ako sa kinauupuan nila nang may biglang kumalabit sa kin.
“Uy Lee . . . nakita mo ba si Pami?” Tanong sa kin ni Meeko.
“Si Pami? Hindi. Baka naman dumidikit na kay Shaun.” Sagot ko sa kanya.
Naku! Sa kinatagal-tagal ba naman ng pinagsamahan naming tatlo alam ko na kung anong ugali ng dalawang to.
“Yun nga eh. Mag-isa lang si Shaun dun oh kasama sila Iñigo. Di ko pa nakikita si Pami simula nung bumaba tayo.”
“Kakababa nga lang natin eh. Susulpot din yun.”
Tinitigan lang ako ni Meeko and sabihin na natin na sa kinatagal-tagal ng pagsasama namin ni Meeko eh alam ko ang ibig sabihin ng tingin na yun and alam na alam ko din na hindi ko siya dapat asarin ngayon.
“Okay, okay. Hahanapin na po. Kasi naman bakit kailangan pang bantayan si Pami eh ang laki laki na nun.” Sabi ko sa kanya.
“Yay!! Thanks!!” Sabi ni Meeko sa kin and then she gave me a quick hug at kaagad naman siyang pumunta kay Iñigo.
Tumingin ako one last time sa mga bikini girls and I saw them packing up and leaving the pool.
Naku Pami!!! Kung nasaan ka man ngayon wag kang magpapakita sa kin!!!!! Dahil sayo nawala ang chance ko na makakilala ng dalawang hot na babae!! Humanda ka sa kin!!!
Lumabas ulit ako ng resort and timing naman na nakasalubong ko si Manong Ben.
“Manong . . . nakita mo po ba si Pami?” Tanong ko sa kanya.
“Yun nga Sir Lee eh. Nakatulog si Maam Pami habang bumibiyahe at hanggang ngayon tulog pa rin. Kanina ko pa po ginigising pero ang lalim ata ng tulog eh.” Sagot ni Manong.
Napatawa naman ako ng konti. Pami yan eh . . . kapag tulog, kahit pabusinahan mo pa yan sa tren eh hindi talaga yan magigising!! Babaeng tulog mantika.
BINABASA MO ANG
Si Kuya Piso
Teen FictionOnce is coincidence . . . Twice is fate . . . Pero paano kung paulit-ulit nang nangyayari? Fate pa rin ba? O iba na?