(Meeko’s POV)
“Urrrrrrrrrrgggggggghhhhhhhhhhhh!!!! Babes . . . ayoko na . . .pagod na ko . . . I wanna jump jump over there nalang oh . . .” Sabi ko at binagsak ko ang ulo ko sa table dito sa cafeteria namin. Siguro dapat nasasaktan ako sa ginawa kong yun pero wala akong maramdaman kundi antok.
“Ako din babes . . . ganito ba talaga pag gagraduate na? Pinapahirapan?” Sabi ni Pami sa tabi ko at ibinagsak na rin niya yung ulo niya sa table.
Two weeks nalang at graduation na namin pero pakiramdam ko kailangan muna naming gumapang palabas ng school para makuha ang mga diploma namin. Nakasara na yung mga mata ko and I was starting to drift off to sleep nang may biglang bumagsak sa tabi ng mukha ko. I opened my eyes and nakita yung isang tray ng pagkain.
“Umayos nga kayong dalawa. Para kayong namatayan diyan.” Sabi ni Lee na umupo sa tabi ko.
Umupo ako ng maayos pero sobrang bagal kong kumilos. I’m sooooooooooooooooooooooo tired. I wanna marry my bed and stay there forevah and evah!!!!
“Pakiramdam ko namatayan ng talaga ako. Patay na patay na ang puso’t kaluluwa ko sa antok. Eh kasi naman ilang oras lang tayo nakatulog kagabi noh!!!” Sabi ni Pami.
“Correction. Hindi po ORAS kundi MINUTO. We slept for exactly fifty minutes kanina.”
Dahil sa sobrang daming gagawin naming assignments, review and projects at samahan pa ng isang madugong manuscript sa Thesis (magkagrupo kaming tatlo dito) namin . . . isang linggo nang nakatira sa bahay namin si Lee at Pami.
Literal na talaga silang nakatira sa bahay namin. Dun na sila natutulog, kumakain, naliligo . . . lahat lahat na!! Pero okay lang naman sa parents ko kasi alam naman nilang importante yung ginagawa namin and dati pa rin naman kami nagkakaroon ng sleepovers.
“Grabe . . . hindi ko akalaing sasabihin ko to pero sa sobrang antok ko gusto ko nalang matulog kaysa sa kumain.” Sabi ni Lee habang ngumunguya ng burger.
“Me too.” Sagot ko.
“Me three.” Sabi ni Pami.
Akala ko ba sabi nila Hell Week lang pero bakit parang HELL MONTH ang peg naming lahat ngayon?!?! Habang ngunmunguya ako, tumingin ako sa mga fellow fourth years ko sa cafeteria namin. Kung hindi sila kumakain, nakasubsob yung mukha nila sa table or di naman kaya cramming sa pag-type sa mga netbooks nila.
“Well, at least di tayo cramming ngayon. Kasi pag ganun naku . . . tatalon nalang ako dito sa table natin.” Sabi ko sa dalawa at tumango lang din naman sila.
Dahil nga sobrang hectic at toxic na ng schedules namin, hindi na kami masyadong nakakapagkita ni Iñigo. Come to think of it, yung last ata na pagsasama namin eh yung nagpunta kami ng mall. Textmates at callmates nalang ang peg naming dalawa. Pero, iba pa rin kapag magkasama kami. I miss him already.
Timing na pagkatapos namin kumain, tumunog na ulit yung bell namin.
“Balik sa kalbaryo . . .” Sabi ni Lee.
“At paghihirap . . .” Dugton ni Pami.
“At walang katapusang dusa.” Tinapos ko ang sentence na isang linggo na naming sinasabi at bumalik na kami sa mga rooms namin.
Hindi niyo lang alam kung gaano kami kasaya nang marinig namin ang dismissal bell. Agad kaming nag-ayos ng gamit namin at umalis palabas ng room . . . palabas ng school.
“Guys, pasundo nalang tayo kay Manong di ko na kaya.” Sabi ko kay Pami at Lee.
“Sige. Pero, daan mo nalang muna kami sa mga bahay namin babes. Isang linggo na rin kasi ako hindi nakakauwi ng bahay at yung dinala kong damit sa bahay ninyo ubos na. Punta nalang ako sa inyo mamaya. Text nalang kita.” Sabi ni Pami sa kin.
“Ako din Meeks. Punta nalang ako sa inyo mamaya.” Sabi ni Lee.
“Sige.” Sagot ko sa kanila at nakita ko nang papsok ng gate si Manong.
We dropped Pami and Lee by their houses. Pero hindi na ako gising sa mga parts na yun kasi pagkaupo na pagkaupo ko palang sa backseat, nakatulog na kaagad ako.
“Maam Meeko . . . Maam . . . Gising na po. Dito na po tayo.” Nagising ako na mahinang tinatapik ni Manong Ben.
I looked around and nasa tapat na nga kami ng bahay. Ngumiti nalang ako kay Manong Ben at kuniha yung bag ko diretso sa akyat sa kwarto ko. Pagkadating dun, I let myself fall backwards on my bed and hinayaan ko nalang na pumikit ang mga mata ko.
Pero bago pa ako lamunin ng tulog, may narinig akong mahinang sipol. Medyo nagising ako ng konti and then I smiled. Bumangon ako and then sumilip sa bintana ko.
‘Tired? :(‘
Nakatayo si Migs sa bintana niya and hawak hawak niya ang isang sketch pad. I smiled at him and then kinuha yung sketch pad ko sa bedside table ko. Nag-Indian sit ako sa bed ko kasi sa laki ng bintana ko alam kong makikita naman ako ni Migs.
‘YupTT^TT HORRIBLE teachers >__<’
Pinakita ko sa kanya ang sketch pad ko at agad naman siyang nagsulat sa sketch pad niya ng reply niya. Over the past two weeks, ganito na kami mag-usap ni Migs. Nag-start ito nung after ng dinner nila dito sa bahay. I was doodling in my sketch pad then nang bigla akong narinig na kalabog galing sa bahay nila. Apparently, naapakan niya ata yung skateboard niya at nadulas siya sa sahig ng kwarto niya. Agad ako nung nagsulat ng ‘R U OK?’ sa sketch pad ko hanggang sa araw araw na kaming ganun.
‘Same here’
‘Ur teachers torturing U 2?’
‘KILLING is the term.’
‘HAHAHAHAHAHAHA XD’
‘Good 2 C U laugh =)’
‘Thanks ^__^’
‘GTG . . . Talk 2 U later?’
‘Sure. Ingat’
Nag-wave si Migs ng goodbye and I returned one of my own. Ibinalik ko na yung sketch pad ko sa bedside table ko and then went to my closet to change into my comfy clothes. Pagbalik ko sa kwarto ko may narinig ulit ako sumipol pero this time sa tapat naman ng bahay namin. Pumunta ako sa glass wall ng kwarto ko kung saan tanaw yung gate atfront yard at dun ko nakita si Migs na nakatayo.
I waved at him and then he waved at me. Maya-maya pa tinuro niya yung bahay niya sa kin. I had a face that says ‘Ano?’ and then he mouthed the words ‘Tignan mo’. Tumingin ako sa direction ng bahay nila at ang unang nakita ay yung bintana niya. Nakasara yun at behind the glass, nakatayo yung sketch pad niya dun facing me.
‘Smile more =) U’ll look better’
Agad naman akong napangti sa message na yun ni Migs. Pero nung tinignan ko siya sa kung saan siya nakatayo sa tapat ng gate namin kanina, wala na siya.
Umalis na.
BINABASA MO ANG
Si Kuya Piso
Roman pour AdolescentsOnce is coincidence . . . Twice is fate . . . Pero paano kung paulit-ulit nang nangyayari? Fate pa rin ba? O iba na?