(Meeko’s POV)
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa hindi ko na kinaya. Nanginginig na ako sa sobrang lamig at sa sobrang iyak.
Hindi . . . hindi ko alam ate . . . hindi ko na alam . . .
Hindi . . . hindi ko alam ate . . . hindi ko na alam . . .
Hindi . . . hindi ko alam ate . . . hindi ko na alam . . .
Paulit ulit na naririnig ko yung boses ni Iñigo na sinasabi ang mga salitang ito. At paulit ulit ding nahahati at nadudurog at nagdurugo ang puso ko sa bawat salita. Hindi ko alam kung possible ba itong iniisip ko pero sa tingin ko mas lalong lumakas yung ulan at yung hangin mas lalong lumamig.
Hindi . . . hindi ko alam ate . . . hindi ko na alam . . .
Hindi . . . hindi ko alam ate . . . hindi ko na alam . . .
Hindi . . . hindi ko alam ate . . . hindi ko na alam . . .
Napaupo ulit ako sa lupa and hindi ko na magawang gumalaw pa. Niyakap ko yung mga tuhod ko ng mahigpit and I started rocking back and forth again.
Hindi . . . hindi ko alam ate . . . hindi ko na alam . . .
Hindi . . . hindi ko alam ate . . . hindi ko na alam . . .
Hindi . . . hindi ko alam ate . . . hindi ko na alam . . .
It seemed like everything around me was crashing down. Possible pa yun na parang kaninang umaga lang I felt like the happiest person on earth tapos ngayon, pakiramdam ko parang nakipaglaban ako sa libo libong sundalo.
Ganito ba yun kasakit? Ganito ba talaga ang love? Akala ko ba sabi nila being in love is the most amazing feeling in the world. Amazing ba ang feeling na to? Is feeling like being torn into a million pieces an amazing feeling?
No. It’s not. And if being in love means feeling this kind of pain . . . then I’d rather be alone than be in love with someone.
Just then, hindi ko na naramdaman yung pagtulo ng ulan sa akin. I looked around pero patuloy pa rin naman yung pag-ulan. I looked up and I saw a shadow towering over me.
O O O
(Migs’ POV)
Nakahiga ako sa higaan ko and pinaulit ulit ko yung sinabi sa kin ni Meeko kanina.
I love you . . . as a friend . . .
Tumawa ako ng mahina habang tumutulo yung mga luha ko.
P@#$ . . . ganito pala kasakit yung mahal mo yung isang tao pero hindi ka niya mahal. Pero in my case, mahal naman pala niya ako eh. As a friend nga lang.
Siguro dapat ko na ring tanggapin na hanggang kaibigan nalang ako. Hanggang pagiging magkaibigan nalang kami.
P@#$% . . . hindi ko inakalang magiging ganito pala talaga to kasakit. Eh mas masakit pa to kaysa sa mga suntok ni Iñigo sa kin eh.
BINABASA MO ANG
Si Kuya Piso
Teen FictionOnce is coincidence . . . Twice is fate . . . Pero paano kung paulit-ulit nang nangyayari? Fate pa rin ba? O iba na?