(Meeko’s POV)
Lumabas na si Lee ng bahay nila at pinagbuksan niya kami ng gate.
“Bakit ang tagal niyo?” Tanong niya sa min.
“Eh kasi naglakad lang kami papunta dito noh.” Sagot sa kanya ni Pami.
Tumingin naman siya sakin and hindi ko mapigilan ang sarili ko na ma-guilty. Oo nga pala . . . di ko sinagot yung mga tawag niya kanina . . .
“Uy Lee . . . sorry di ko nasagot mga tawag mo kanina ha . . . nasa loob kasi ako ng church eh. Forgive me?” Sabi ko sa kanya.
“Ayoko nga.” Sagot niya sakin.
“Hala! Ang sama mo naman! Nagsosorry na nga ako eh!!” Sabi ko sa kanya sabay pout.
“Libre mo muna ako.” Sabi niya sakin sabay ngiti ng nakakaloka.
“Ano bang gusto mo?”
“Ice cream!!” Sigaw ni Pami sa tabi ko.
“Kausap ka?” Sabay naming sinabi sa kanya ni Lee.
“Hmp!! Ang sama niyo naman! Magsama kayo!” Sabi niya sa amin sabay nguso.
Tinawanan namin siya ni Lee at pumasok na kaming tatlo sa loob ng bahay. Naka-ayos yung bahay nila Lee sa usual na ayos nito.
“Asan yung party?” Tanong ni Pami.
“Sa garden. Mas malaki kasi yung space dun sa garden kaysa sa dito sa sala eh.” Sagot naman ni Lee sa kanya.
Tumango kami ni Pami sa sinabi na yun ni Lee. Maya-maya pa may narinig kaming sumigaw.
“MEEKOLET!!! PAMILIIT!!!!”
Lumingon kami ni Pami at nakita namin si Kuya Andrew. Dun siya nakatayo sa pinto papuntang garden nila at ngayon, naglalakad na siya papunta sa amin. Humalakhak ng malakas si Lee sa tinawag sa amin ni Kuya Andrew at tinignan namin siya ng masama ni Pami sabay irap.
“HAPPY BIRTHDAY KUYA ANDREW!!!!” Sabay naming sigaw ni Pami sa kanya.
“Awww . . . thanks, girls. Salamat sa pagpunta.” Sabi niya sa amin at niyakap niya kami ni Pami isa-isa.
“Kamusta ka na Meekolet? Long time no see ah.” Sabi sa kin ni Kuya Andrew.
“Okay lang kuya. Tsaka ano ba yan kuya . . . elementary palang ‘Meekolet’ na ko hanggang nagyon na fourth year na kami ‘Meekolet’ pa rin? Happy birthday daw pop ala sabi nila Mommy and Daddy.” Sabi ko kay Kuya Andrew.
“Tell them, thanks. Tsaka ‘Meekolet’ pa rin kasi hanggang ngayon makulet ka pa rin!! Hahaha! Eh ikaw Pamiliit? Kamusta ka na?” Sabi ni Kuya Andrew sabay tingin kay Pami.
Nagkatinginan naman kami ni Lee at ngumiti sa isa’t isa. Tinignan namin si Pami na mamula habang kinakausap siya ni Kuya Andrew at pinigilan namin ni Lee ang tawa namin. Bata palang kasi kami, crush na crush na ni Pami si Kuya Andrew. And judging from the shade ng pamumula ngayon ni Pami, eh hindi malayong crush niya pa rin si Kuya.
“Ah . . . eh . . . okay naman po kuya. Hehehe.” Sagot ni Pami at lalo pa kaming natawa ni Lee.
“Ikaw Lee-libagin naligo ka na ba?” Biglang tanong ni Kuya Andrew kay Lee.
“LEE-LIBAGIN!!!! WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!” Sabay naming sinabi ni Pami at tumawa kami ng malakas. Ayan, ganti namin sa pagtawa kanina sa min ni Lee.
“Kuya naman . . . kailangan ba talagang ipahiya mo ko? Pasalamat ka birthday mo ngayon.” Sabi ni Lee sa kanya.
“Bakit? Wala naman akong sinabing masama ah!” Sabi ni Kuya Andrew sa kanya innocently sabay wink sa amin ni Pami. Humalakhak naman kami ulit ni Pami.
“Kuya namaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaan!! Ang sama mo!!” Sabi ulit ni Lee.
Just then bumukas ang pinto nila Kuya Andrew at may pumasok na babae.
“ATE CARMY!!” Sigaw namin nila Lee at Pami ng sabay.
Si Ate Carmy yung girlfriend ni Kuya Andrew. They’ve been together since first year high school palang sila. At ngayon na secong year college na silang dalawa, going strong pa rin sila. Nilapitan ni Kuya Andrew si Ate Carmy and then kissed her cheek.
“Awww . . . paano na yan Pami, dumating yung girlfriend . . .” Narinig kong bulong ni Lee kay Pami.
“Tumahimik ka nga diyan! Nakakainis ka na talaga!” Pabulong din namang sagot ni Pami kay Lee sabay siko sa tiyan nito.
AUTHOR'S NOTE:
Medyo sa tingin ko dadamihan ko muna ang mga chappies ko ngayon dahil hindi ko pa sure kung kelan ako makakapag-update . . .
Salamat po sa pagbabasa ng story :))
Wab u guys . . .
-izza
BINABASA MO ANG
Si Kuya Piso
Fiksi RemajaOnce is coincidence . . . Twice is fate . . . Pero paano kung paulit-ulit nang nangyayari? Fate pa rin ba? O iba na?