(Meeko’s POV)
“So anong meron?”
Biglang sabi sa kin ni Pami as soon as pumasok kami sa banyo ng bahay nila Lee. Iniwan naming kumakain sila Lee at Iñigo sa sala habang kami nag-cr muna bago kumuha ng maiinom. Hindi pa rin ako makapaniwala na kapatid siya ni Ate Carmy. So his name is Iñigo . . . I think bagay nga sa kanya ang pangalan niya.
“Meron saan? Tanong ko kay Pami.
“Sus!! Pa-inosente ka pa. Eh di si Iñigo with a capital I!! Akala mo di ko napansin yung pagtitinginan niyo kanina? Ano bang meron!!!” Biglang sigaw sa kin ni Pami sa banyo.
“Uy uy uy hinaan mo naman boses mo beb. Baka marinig nila tayo.” Sabi ko sa kanya.
“MARINIG?! Eh sa lakas ng tugtog sa labas tayo ngang nandito sa banya di nagkakarinigan tapos sasabihin mo MARINIG?! Naku Meeko Chariz Lopez wag mo kong pinaggagaganyan ha. Break na nga tayo! Ayoko na sa’yo!!” Drama ng bestfriend ko.
Tumawa naman ako sa kanya and niyakap siya. Bestfriend ko talaga napaka-ewan lang.
“Sus!! Ang drama mo alam mo yun? Wala naman akong tinatago sa’yo no. Gusto ko ngang sabihin sa’yo kanina nung pagkapasok palang niya pero siyempre ayaw ko naman malaman ng lahat yun noh.”
“Eh ano nga kasi yun?!”
Huminga ako ng malalim at prinepare ang sarili ko sa sasabihin ko.
“Si Iñigo . . . siya si Kuya Piso.”
Nang masabi ko yun pakiramdam ko biglang tumahimik yung mundo. Ohhhh . . . drama di ba? Pero seryoso, aside sa ingay na nanggagaling sa labas, sobrang tahimik namin ni Pami dito sa loob ng banyo.
Nakita kong nanlaki yung mga mata ni Pami at aasarin ko sana siyang mukha na siyang Tarsier pero di ko magawa. Nagtitigan lang kami ng bestfriend ko at maya-maya pa, parehas kaming ngumiti ng nakakaloka sa isa’t isa.
“WHHHHHHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!”
Tumili kaming dalawa sa loob ng banyo. With matching holding hands at talon talon over there and everywhere. Eh sa kinikilig kami eh!! Buti nalang walang ibang tao sa loob ng banyo. Hehehehe.
“OMIGADOMIGADOMIGADOMIGADOMIGADOMIGADOMIGADOMIGADOMIGAD!!!!!” Sigaw ni Pami habang tumatalon.
“ALAMKOALAMKOALAMKOALAMKOALAMKOALAMKOALAMKOALAMKO!!!!” Sagot ko naman sa kanya habang tumatalon din.
Sabi sa inyo mukha lang kami mga krung-krung eh. Thank god at wala talagang tao. Ano nalang iisipin nila sa amin?!
Nung parehas na kaming hiningal ni Pami, tumigil na kami sa kakatalon pero patuloy pa rin kami sa pagngiti ng nakakaloka sa isa’t isa.
“Oh my gad teh! Pakiramdam ko meant to be talaga kayooo!!” Sabi sa kin ni Pami.
Naghugas kami ng kamay at lumabas na ng banyo pagkatapos nun. Dumiretso kami ng garden para kumuha ng inumin. Kinuhaan na rin namin yung dalawang lalake at naglakad na pabalik sa sala.
“Meant to be agad? Ewan ko . . . parang ang hirap kasi paniwalaan eh. OO KINIKILIG AKO.” Which is ‘true to the bones’ confession mga sis. Hehehe. “Pero ewan ko . . . hindi ako umaasa.”
BINABASA MO ANG
Si Kuya Piso
Genç KurguOnce is coincidence . . . Twice is fate . . . Pero paano kung paulit-ulit nang nangyayari? Fate pa rin ba? O iba na?