(Meeko’s POV)
Lunch time na and saktong natapos ko na ang nag-iisang assignment namin. I got up from my chair and then dinala yung mga school things ko up my room. Just as I was closing my bag nag-ring ang phone ko. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. It’s Iñigo.
“Hello?” Sabi ko sa phone.
“Hey. Ummm . . . you’re not busy or anything right?” Sabi niya.
“Hindi naman. Kakatapos ko lang gawin yung assignment ko. Bakit?”
“Ummm . . . Wanna hang out? Libre ko.”
WAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH YES! YES! YES!
“Umm . . . sure. Saan?” Sagot ko.
“Saan mo ba gusto?”
Ahihihihihihi!! Sa puso mo! Chos. Corny ko mabatukan nga ang sarili.
“Mall nalang?” Sabi ko sa kanya.
“Sure. Sunduin nalang kita diyan sa inyo. I’ll text you kapag nasa gate niyo na ko.” Sabi niya sa kin and I can tell na nakangiti siya ngayon.
“Okay. Pero wait lang, don’t tell me na bibiyahe ka pa dito papuntang bahay namin.” Sabi ko sa kanya.
Last time kasi, nasabi na niya sa akin na two LRT stations lang naman ang layo ng school niya sa school/bahay namin. Kaya okay lang daw na pumunta siya dito araw-araw. Ayiiieeeee!! Kilig much ang peg ko nun. Pero dahil nga ngayon na walang pasok, isang buong linya ng LRT ang biyahe niya. Hassle di ba?
“Actually, nandito ako ngayon sa condo ni Ate. Pumunta ako dito kanina kasi may pinabibigay si Mommy sa kanya. We hang out pero umalis din siya kasi daw may klase pa daw siya. Kaya ayon, bored ako. So, see you in a bit?” Sabi niya.
“Okay. Bye.” Sagot ko.
“Bye.” Sabi niya.
Dati, na-kwento sa akin ni Lee na may condo unit nga daw si Ate Carmy malapit sa school nila ni Kuya Andrew. Malapit nga lang yung condo ni Ate Carmy dito. Mga fifteen minutes lang siguro. Twenty kung traffic.
WAIT LANG. TWENTY MINUTES?!?!
Tinignan ko ang sarili ko at ang suot ko. Buti nalang pala at naligo na ko kanina. Agad akong naghanap ng masusuot at nagbihis na. Pinili ko yung white t-shirt ko na may malaking cute character sa harap. Favorite ko to kasi wala siyang yung parang folded part collar part sa leeg and then kahit yung sa dulo ng sleeves na folded part din. It’s my size but it’s designed to look a little bigger than it is kaya medyo parang nagiging off-shoulder siya sa kin. I wore denim shorts pero nagsuot ako ng patterned leggings sa loob nito. Nagsoshorts naman ako on public kaso lang feeling ko maiilang ako kay Iñigo pag ginawa ko yun. Nag-ballet flats lang ako, braided my hair (Katniss Everdeen style) and then sinuot ko yung purple beanie ko.
Kinuha ko yung maliit na bag ko sa drawer ko and then nilagay yung mga essentials ko dun. Just in time, sumigaw yung Mommy ko na nandyan daw si Iñigo. I skipped down the stairs and dun nga, kasama nila sa couch, nakaupo or should I say NAKAYUKO si Iñigo.
Nakasuot siya ng dirty white v-neck and tight fitting dark jeans. Pansin ko lang, mahilig siya sa v-necks. Ahihihi. Pero okay, mas pumopogi kasi siya eh!!!! Wahhhhh!!! Nakita ko din na naka-purple beanie din siya. WOW. Coincidence much?
“Hiya.” Sabi ko sa kanya.
“Hey.” Sabi niya sa kin then smiled. “You look really really good.”
“AHEM.” Sabi ng Daddy ko at agad namang yumuko ulit si Iñigo. “Meeko, saan ka pupunta?”
I rolled my eyes at him kasi naman ginagamit na naman niya yung ‘big voice’ niya. Alam niyo yung parang pinapalaki niya yung boses niya na parang matapang na lalake na ewan? Yun yung ginagawa niya ngayon. Tumingin ako kay Mommy at umiling lang siya tinatago yung tawa niya.
Sasagot na sana ako pero hindi ko na nagawa kasi biglang tumayp si Iñigo sa kinauupuan niya at tumayo sa tabi ko.
“Tito, gusto ko lang po sanang pumunta ng mall kasama si Meeko. Pasensya na po kung ngayon lang po ako nakapagpaalam. Pero I would like to ask for your permission po, Tito.” Sabi niya.
I looked up at him and seryosong seryoso yung mukha niya. GRAAAAAAAAAAAAAABBBEEEEEEEE ginawa niya talaga yun? Wahhhhhh!!!! Me so kiliiiiiiiiiiiiiiiig!!! Ahihihi!!
Nagkatinginan kami ng Mommy ko and then we shared the same expression of surprise and awe. Tumingin kami kay Daddy at halatang nagulat din siya.
“Well, umm . . . nakabihis nalang din naman kayo, sige. But bring her home EARLY. You got that boy?” Sabi ni Daddy.
“Yes, sir.” Seryosong sagot ni Iñigo.
Pumunta sa mga parents ko at nagpaalam sa kanila. After nun, lumabas na kami ni Iñigo ng bahay.
“Phew! Kinabahan ako dun ah.” Sabi niya sa kin at pinahiran yung pawis sa noo niya.
“Talaga?” Kinakabahan pa siya nun?
“Oo. Hehe. Pakiramdam ko kinakain yung insides ko.” Sabi niya at nilagay yung kamay niya sa tiyan niya.
Tinawanan ko lang siya at lumabas kami ng gate. Dahil hindi pa kami legal adults, hindi pa kami pwedeng magkaroon at mag-drive ng car. And dahil nasa loob kami ng villa, walang nakakapasok na taxi dito. Naglakad kami papuntang labasan.
Napadaan kami sa playground dun at napatigil kami ng may biglang tumawag sa akin.
“Ate MEEEEEEEEEEEEKKKKKKOOOOOOOOOOO!!”
I whipped around and nakita ko si Migo na nasa Monkey Bars. Agad siyang bumaba dun at tumakbo papunta sa kin.
“Sino yan?” Bulong sa kin ni Iñigo.
“Bagong kapitbahay namin.” Sagot ko sa kanya.
Nung magkaharap na kami nila Migo, Iñigo at ako narinig kong biglang nag-inhale si Iñigo.
“Migo?” Sabi niya.
Agad akong napatingin sa kanya. Paano niya nakilala si Migo??
“Kuya Iñigo!! Bakit ka nandito? Bakit kasama mo si Ate Meeko?” Sabi ni Migo sa kanya.
Napatingin din naman ako kay Migo. Huh? Okay, obviously magkakilala sila. Pero paano? Sa pagkakaalala ko hindi ko pa sila napapakilala sa isa’t isa at hindi pa rin naman lumalagpas sa isang araw na lumipat dito si Migo. Paano sila naging magkakilala?
Habang nag-iisip ako ng malalim, hindi ko napansin na lumapit na rin pala sa amin ang kuya ni Migo na si Migs.
“Uy Meeko! Nice to see you . . . Iñigo?” Sabi ni Migs nang makita niyang katabi ko si Iñigo.
“Migs?” Sabi naman ni Iñigo.
Huh?? Ano ba yan bakit lalong gumulo?? Paanong?
“Meeko?” Sabay nilang sinabi at lalong gumulo ang kwento ng buhay ko.
BINABASA MO ANG
Si Kuya Piso
Teen FictionOnce is coincidence . . . Twice is fate . . . Pero paano kung paulit-ulit nang nangyayari? Fate pa rin ba? O iba na?