(Meeko’s POV)
Umupo ako sa yellow bench sa gilid ng railway and hinintay yung train.
“Pwede bang umupo?”
I looked up and nakita ko yung kuya kanina na katabi ko sa jeep na nakatayo sa harap ko. Sabi nung teller kanina nsa ticketing booth eto na daw yung last trip ng train kaya ngayon, konti nalang kami na mga pasahero.
“It’s a free country.” Sagot ko sa kanya and tagad naman siyang umupo sa tabi ko.
“So . . . hula ko mayaman ka.” Biglang sabi niya sa kin kaya naman napatingin ako sa kanya. “Una, walang tao na katulad ko ang magbabayad ng isang libo sa jeep at hindi na hihingin pa ulit yung sukli. Pangalawa, yung kamay mo kanina sobrang lambot parang talo pa ang kamay ng bata.”
Nung minention niya yung kamay ko, agad kong tinignan ito and nakita ko na dumudugo pa rin ito. Agad na kinuha ito ni Kuya and hinawakan pero hinablot ko naman sa kanya agad yung kamay ko. Hellow?? I’m not gonna hold hands with a random stranger noh!!
“Sandali lang . . . alam kong hindi ka nagtitiwala sa kin kasi kakakilala lang natin pero sa tingin ko kailangan na talaga magamot niyang kamay mo. Baka ma-infect pa yan and lumala eh. Malalim yung sugat mo and I think kailangan na nga niyan ng stitches eh.” Sabi niya.
“Talaga?” Tanong ko naman. Oh my god . . . nung minention niya yung stitches bigla akong kinabahan.
“Well . . . can I at least have a look at it?” Tanong niya sa kin pero nag-aalalangan akong ibigay sa kanya yung kamay ko mamaya biglang may kung anong gawin sa kin to and kidnapin nalang ako neto. “Don’t worry. Hindi ako masamang tao. Sa totoo nga, may kapatid ako na babae. Sa tingin ko nga magka-age kayo eh. And . . . nag-aalala lang talaga ako sa sugat mo.”
Nung sinabi niya yun . . . dahan-dahan kong inabot sa kanaya yung kamay ko and hinawakan naman niya yun pero hindi yung hawak na katulad sa min ni Iñigo kundi simpleng hawak lang. yumuko siya and inilapit pa niya yung kamay ko sa mukha niya habang ako naman nakatingin lang sa kianya.
“Hindi ko makita ng maayos ang sugat mo . . . ang daming tuyong dugo eh . . . linisin ko muna ha.”
Tumango lang ako sa kanya and agad niyang binitawan yung kamay ko at may kinuha siya sa bag niya na parang maliit na kit. Kumuha siya ng baby wipes and dahan-dahan niyang ipinunas yun sa sugat ko. I can’t stop myself from wincing dahil sa sobrang hapdi na nararamdaman ko nung ginagawa niya yun. After nun, inilapit niya ulit yung kamay ko sa mukha niya.
“Yep . . . kailangan nga nito ng stitches. Ang lalim ng sugat mo eh! Ano bang ginawa mo at nasugatan ka ng ganito?” Tanong niya sa kin pero hindi ko siya sinagot. “Anyway . . .” Sabi niya nung mahalata niya na ayaw ko siyang sagutin. “Applyan ko nalang muna ng first aid ang sugat mo kasi hindi naman ako pwedeng tumahi neto.”
Nilagyan niya ng hydrogen peroxide, betadine and sa huli sterile gauze with micropore tape yung sugat ko. Nagpasalamat ako sa kanya and just in time, dumating na rin yung train.
“So . . . saan ka ba pupunta?” Tanong niya sa kin.
“Sa St. Peter’s Hospital.” Sagot ko sa kanya habang umuupo kami.
“Talaga? Bakit naman?”
“Ummmm . . . may kailangan lang akong puntahan dun.”
BINABASA MO ANG
Si Kuya Piso
Teen FictionOnce is coincidence . . . Twice is fate . . . Pero paano kung paulit-ulit nang nangyayari? Fate pa rin ba? O iba na?