(Pami’s POV)
Pumunta ako agad dun sa may changing area and agad na akong nagbihis. Actually, naka-bikini ako. Hehehe. Akala ni Meeko siya lang ang naka-bikini ha, ako rin noh!!
Pero . . . medyo nakaka-conscious naman kasi nandyan si Shaun. Okay naman na sa ibang kasama namin yung suot ko kasi every time na may swimming or outing kami lagi naman kaming nakaganito ni Meeko eh. Kaso lang . . . ngayon ko lang nakilala si Shaun. Medyo nahihiya naman ako.
Sumilip ako sa pinto sa kung ano yung ginagawa nila and nakita ko na nagpapaset-up sila ng volleyball net sa beach. Nakita ko si Meeko na kaparehas ng suot ko ngayon kaso lang yung sa akin color red samantalang yung sa kanya color blue and sa ngayon, nakasuot siya ng shorts. Nagsuot na rin ako ng shorts and lumabas na ng changing room.
Nilagay ko yung gamit ko sa isa sa mga rattan beach chairs na naka-lay out sa sand. Naglagay ako ng sunscreen para naman hindi ako malitson. Ang enet enet kase eh.
“Ano yang SUOT mo?!?!”
Tumingin ako sa likod ko and dun pala nakatayo si Lee. Naka-swimming trunks lang din siya and hinubad na niya yung t-shirt niya kaya naman tanaw na tanaw ko yung katawan niya. Sa kinatagal-tagal ng pagsasama namin sanay na ako sa katawan niya pero bakit ngayon parang naco-conscious ako na tumingin sa katawan niya?
Lumapit siya sa kin hanggang sa magkaharap na kami and kaagad niyang nilagay yung mga kamay niya sa bewang niya. Ipinagpatuloy na nalang din yung paglalagay ng sun block.
“Bakit ba?” Sabi ko sa kanya.
“Bakit ka nakaganyan?! Magpalit ka nga!”
“Eh bakit nga?”
“Ang taba taba mo oh! Tignan mo yung mga bilbil mo ilang layers na tapos nakaganyan ka pa. Mahiya ka nga! Magpalit ka dun!!”
“Layers? Eh wala nga oh.” Sabi ko sa kanya. Excuse me noh, wala sa lahi namin ang matataba. Kahit nga yung lola ko nung tumanda siya hindi siya lumubo tulad ng iba eh. Kaya naman kahit dumada ako ng dumada hindi pa rin ako tumabataba kasi nasa genes ko na yun. “Tsaka . . . lagi naman akong nakaganito noh. Bata palang tayo ganito na kami ni Meeko.”
“Eh basta. Magpalit ka.” Sabi niya sa kin and then stormed away.
“Anong problema nun? Talo pa ang babaeng may PMS eh.” Bulong ko sa sarili ko and then binalik na yung bote ng sun block sa bag ko and tumakbo ako sa kung saan na sila naglalaro.
“Sali ako!!!” Sabi ko sa kanila nung dumating na ako sa court nila.
“Hey Pami! You’re looking good!” Sigaw ni Shaun.
Shemzz nemen!! Napaka-honest naman ng lalakeng to! Joke. Waha!! Kilig naman ako!!
“Bawal. Hindi pwede.” Biglang sabi ni Lee and he was eyeing my top and shorts na para bang toro.
“At bakit?” Tanong ko sa kanya sabay pamewang.
Ano bang problema ng lalakeng to? Kanina gusto niya akong magbihis tapos ngayon ayaw niya naman akong pasalihin sa game. Talaga bang palagi nalang akong aapihin ng lalakeng to? sana ako nalang pala yung tumalon sa boat kanina.
BINABASA MO ANG
Si Kuya Piso
Roman pour AdolescentsOnce is coincidence . . . Twice is fate . . . Pero paano kung paulit-ulit nang nangyayari? Fate pa rin ba? O iba na?