Epilogue

40 1 0
                                    

AUTHOR'S NOTE:

      Sadly, ito na po yung last chapter mga guys (other than my last AN) ^___^

      Sana po nagustuhan niyo yung Si Kuya Piso reading :)))

8 years later . . .

(Meeko’s POV)

                Nagising na ako sa tunog ng alarm clock ko and agad naman akong bumangon. Kahit pagod na pagod ako kahapon and late na ako nakauwi kagabi, kailangan kong pumasok ngayon kasi may board meeting kami.

                I’m already the vice president of our company. Siyempre, sila Mommy at Daddy pa rin yung mga presidents. Hindi naman dahil sa hindi sila nagtitiwala sa kin kaya second in command lang ako pero dahil siguro nakiusap lang ako sa kanila? Ganito kasi yun, a year after I graduated from my business school in LA, agad na nilang sinabi sa kin na I should take over and be the president pero siyempre di ako pumayag. First, hellowww?? Kakagraduate ko lang noh and ang bigat na kaagad ng tungkulin? Di ko ata keribells yun. Second, masyado pa akong bata nun baka naman di ako seryosohin ng mga business partners namin and third . . . I want to enjoy my life first and being president of our company will NOT be fun.

                Eight years na ang nakalipas and ang dami ng nagbago. Oo, bumalik na kami dito sa Pilipinas nila Mommy at Daddy. Ano bang masasabi ko? Kahit magulo at chaotic dito sa Pilipinas eh nakakamiss din naman ang mga Pilipino noh. Siyempre, reunited na naman kami nila Pami at Lee.

                Si Pami, ayun, minana na niya ng tuluyan yung business nila. Kayod kalabaw yung lola niyo kaya nga ang tanda tanda na ngayon. Joke!!! Babawiin ko na! Baka batukan pa ko ni Pami pag nabasa niya to. Ayun nga, si Pami na ngayon yung nagpapatakbo ng business nila. And umaasenso naman siya kasi halos bawat kanto dito sa Makati makikita mo yung restaurant nila. Akalain niyo yun!! May mabuting bunga din pala yung katakawan niya nun and nagamit niya sa restaurant biz nila? Hehe. Joke Pams!! You’re da best nga eh!! Wag mong bawiin yung free of charge food privilege ko ha!

                Si Lee . . . ayun. Tamad pa rin. Sa sobrang katamaran nga hindi niya tinanggap yung offer sa kanya na pangasiwaan yung business nila. Kaya naman yung nagpapatakbo ng negosyo nila si Kuya Andrew (na happily married na ngayon kasama si Ate Carmy! awwwwww *sniff sniff). Pero sa tingin ko mas okay na rin yun kasi baka ma-bankrupt sila kapag si Lee yung umupo eh. Hehe. Jowk lang. Pero hindi naman useless di Lee kasi tinanggap naman niya yung half ng share ng company nila. Nung tinanong ko siya kung bakit ayaw niyang kunin yung lahat, sabi niya sa kin ayaw daw niya ng responsibility pero gusto daw niya yung mga sasakyang ibinebenta nila kaya ayun, di niya pinakawalan yung kalahati ng offer sa kanya. Pagbigyan niyo na.

                And ito ang pinakamalupet pa sa malupet na balita. Binabalaan ko na kayo kumapit na kayo sa mga upuan at tenga niyo. Sino ba naman sa buong UNIVERSE ang MAG-AAKALA na si PAMI oo ang BESTFRIEND ko na si Pami at si LEE oo ang BESTFRIEND ko na rin na si LEE ay IKAKASAL NA NEXT MONTH. Oo, tama yung narinig niyo. IKAKASAL NA SILA. Utang na loob eto siguro yung tinatawag na global malfunctions na dala ng global warming and climate change. Hahahaha! Pero it may appeared as a surprise to EVERYONE (kahit yung mga teachers namin nung high school nagulat nung nalaman nila yung balita na pinakita talaga sa balita) masaya ako para sa kanila. Kahit araw-araw man silang nagbabangayan (oo araw araw pa rin talaga silang nagbabangayan, bad habits die hard daw eh) eh at the end of the day naman halatang mahal na mahal nila ang isa’t isa. Isa pa pala . . . pregy din ang peg ni Lola (or should I say MOMMY) Pami niyo ngayon. Kaya nga lalo akong naawa kay Lee kasi nasa paglilihi part siya ng pregnancy and sabihin nalang natin na ramdam na ramdam ni Lee and portion na yun.

Si Kuya PisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon