Chapter 25

24 0 2
                                    

(Meeko’s POV)

                “Hey!” Sabi ko sa kanya.

                “Oh, hi Meeko.” Sagot ni Migs sa akin.

                “Pauwi ka palang?”

                “Oo . . . Kakatapos lang ng practice. Ikaw? Saan ka pupunta?”

                “Haha . . . may maliit kasi kaming party kila Lee to celebrate yung survival namin sa hell month namin.”

                “Ahhhh . . . di ka magpapahatid?”

                “Di na. Sayang lang yun sa gas. Tsaka . . . malapit lang naman dito sila Lee eh. Maglalakad nalan ako.”

                “Pero dumidilim na ah. Samahan na kita.” Sabi sa kin ni Migs habang tumitingin sa paligid namin.

                “Hindi . . . okay lang. Pagod ka pa from practice di ba? Sige na. Pumasok ka nalang sa inyo.” Sabi ko sa kanya kasi halata naman sa mukha niya na pagod na pagod na siya.

                “Wala yun. Ano ka ba. Tsaka hindi naman kita hahayaan na maglakad ng mag-isa noh. Nakaganyan ka pa naman. Samahan na kita.”

                “Ummm . . . okay . . . sure ka ba na okay lang talaga?”

                “Oo naman. Sabit ko lang muna tong bag ko sa gate namin.”

                “Sure.”

                Hinintay ko na isabit ni Migs yung bag niya sa gate nila at naglakad na kami papunta kila Lee. Palubog na yung araw ang hindi naman masyadong malamig or mainit yung temperature. Parang tamang tama lang. Tahimik lang kaming dalawa ni Migs nang bigla kaming narinig na tunog.

KKKKKKKRRRRRRRRRUUUUUUUUUGGGGGGGGGG

                Napatigil kaming dalawa sa paglalakad and then parehas kaming napatingin sa tiyan niya. Maya-maya pa, tumawa kaming dalawa ng malakas.

                “Sorry . . .” Sabi niya habang tumatawa. “Hindi kasi ata ako nakapag-lunch kanina eh, kaya ayan . . . nagwawala”

                “Di ka pa kumakain?” Napatigil ako sa pagtawa at napatingin ako sa kanya.

                “Umm . . . oo . . . hehe”

                “Bakit naman?”

                “Kanina kasi may kailangan kaming tapusing school work eh alam kong hindi ko yun matatapos basta basta kasi nga may practice kami kaya ayun, nung lunch time ko nalang siya ginawa. Good news, natapos ko siya. Bad news, di ako nakapaglunch

.”

                Bigla namang kumunot yung noo ko sa sinabi niya. Oo GC nga kami nila Lee at Pami pero hindi naman namin hinahayaan na magutom kami noh. Di kami ganun ka martyr!!

                I looked at him and nakita ko na pagod na nga ata siya tapos gutom pa?! Kawawa naman tong si Migs. Naalala ko na may Snickers pala ako sa bag ko kaya kinuha ko yun.

                “Eto oh. Sayo nalang.” Sabi ko sa kanya sabay abot ng Snickers.

                “Huh? Wag! Di na! Okay lang ako.” Sabi niya pero tumunog ulit yung tiyan niya.

Si Kuya PisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon