(Meeko’s POV)
Pagkagising ko, I was already in my room. I looked at my clock sa bedside table ko and it tells me six na sa umaga. Ang last na naaalala ko ay yung humihiga ako sa bakseat ng kotse namin. Pagkatapos nun, wala na. Pansin ko rin na nakasuot na ako ng pantulog ko.
Eight o’clock pa naman ang pasok ko pero bumangon na ako and then bumaba na sa kitchen kung saan nandun na ang mga parents ko kumakain sa dining area namin. Nagbabasa ng newspaper ang Daddy ko habang si Mommy naman busy sa pagkain.
“Morning guys!” Sabi ko sa kanila.
I kissed the top of my Dad’s head and the kiniss ko naman si Mommy sa cheek niya.
“Morning baby, kamusta ka na?” Tanong sa kin ng Daddy ko.
“Better. Wala na allergies ko.” Sagot ko sa kanya habang umuupo sa upuan ko.
Nakaupo si Daddy sa head ng table habang kami naman ni Mommy magkaharap on either side of him. Naglagay ako ng pagkain sa plato ko and started eating.
“Mabuti naman. I hope you didn’t mind that I changed your clothes last night baby.” Sabi sa kin ni Mommy.
“It was fine Mom, thanks.”
Nag-smile and Mommy ko and nagpatuloy lang ako sa pagkain. Maya-maya pa, nag-ring yung phone ng Daddy ko. ibinaba niya yung binabasa niyang newspaper and then sinagot ito. After a few seconds, phone naman ni Mommy yung nag-ring. They both got up and as always, naka-suot na sila ng office clothes nila. Isa-isa nilang hinalikan yung top ng head ko bago lumabas at pumunta sa kani-kanilang mga kotse. Which left me alone, eating on my own.
Pagkatapos kong kumain, umakyat na ako sa kwarto ko pag-ayos na papuntang school. Shemomai . . . buti nalang pala at wala kaming assignment dahil kung hindi, cramming ang peg ko ngayon.
Habang sinusuklay ko yung buhok ko, may narinig akong katok sa pintuan ko.
“Pasok po!” Sigaw ko sa kung sinuman yung kumakatok.
Bumukas ang pinto ko at nakita ko si Dina. Siya yung helper namin dito sa bahay. Pumasok siya sa pinto ko and then nakita ko na may dala-dala siyang pink box.
“Good morning, Dina!” Sabi ko sa kanya.
“Good morning Maam Meeko. Kamusta na po kayo? Sinumpong daw po kayo ng allergies niyo kagabi.” Sabi niya sa kin.
“Okay na ko ngayon. Tsaka Dina . . . Meeko nalang. Tsaka wam no na akong i-po.” Sabi ko sa kanya.
Ngumiti lang siya sa kin and then nilapag niya yung pink box sa bed ko.
“Sa tingin ko may package ka, Meeko.”
“Talaga? Akin to? Kanino galing?”
Binaba ko yung brush ko and then umupo sa bed ko. Tumingin ako kay Dina and then dun sa pink box. Kanino naman kaya galing to?
“Hindi koo alam kung kanino galing eh. Basta may nag-deliver niyan dito sa bahay ngayon-ngayon lang. Sabi para daw sa’yo. May note naman eh. Tignan mo na Maam Meeko.” Sabi sa kin ni Dina.
BINABASA MO ANG
Si Kuya Piso
Novela JuvenilOnce is coincidence . . . Twice is fate . . . Pero paano kung paulit-ulit nang nangyayari? Fate pa rin ba? O iba na?