(Meeko’s POV)
Natapos na rin ang isang nakakalokang araw ng school. Pero kahit nakakapagod, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko maging masaya kasi at least isa, uulitin ko ISA lang yung assignment na binigay sa min. Feeling ko ang swerte ko ngayong araw na to.
Iniisip ko palang kung gaano ako ka-swerte nang biglang tumunog ang cellphone ko. I fished it out of my pocket at nung tinignan ko kung kanino yun, I thanked all the angels in heaven dahil talagang ang swerte ko nga ngayon.
1 New Conversation: Iñigo :)
Iñigo: Ur day done? :)
Me: Yup! ^__^ u?
Iñigo: Done 2 X) where u now?
Me: Why? =_=
Iñigo: La lang. Just asking :)
Me: Haha XD I’m walking 2wards the school’s gate. OTW hooooome :)))))
Iñigo: Really? Me 2! X)
Me: :)
Iñigo: Soooo . . . u on ur car?
Me: No :( Walking.
Iñigo: ALONE?!?! OoO
Naglalakad na ako palabas ngayon sa daan sa labas ng school namin. Normally, sabay kami nila Lee at Pami umuwi pero kasama kasi sila sa Student Body Government namin at may meeting sila ngayon kaya walking alone ang peg ko.
Me: Yup :( Pami & Lee had SBG meeting *^*
Iñigo: I think u shouldn’t b walking alone.
Me: Why? O_o
“Kasi baka mamaya, malaglag na naman ang piso mo at walang pupulot nito at mawawala yun sa’yo.”
Lumingon ako sa boses na narinig ko at nakita kong nakatayo si Iñigo two steps away from me. REALLY LORD?! Binibigay niyo po talaga ang chance na to sa kin? THANK YOU PO!!
“What are you doing here?” Tanong ko sa kanya.
Naglakad siya papunta sa kin hanggang sa magkatabi na kami. Tumingin siya sa kin and then smiled. Feeling ko naman kinikiliti yung kaloob looban ko na parang ewan na kinikilig ako na ewan. Nakita ko na nakasuot siya ng uniform ng school nila. White polo and then may nakapatong na maroon sleeveless sweater-pullover. Meron din siyang black and maroon striped tie na nakatali sa leeg niya and then black pants and black shoes. I smiled back at him.
“Sabi ko naman sayo di ba? Paano nga kapag may nalaglag kang piso at walang pumulot para ibigay yun sayo? Joke lang. I just wanted to walk you home. Ummm . . . pwede ba?” Tanong niya sa kin looking uncertain.
UTANG NA LOOB?!?! NAGTATANONG TALAGA SIYA?!?! GENTLEMAN NAMAN PALA NETO EH!!! HEHEHE!! OPO!! OO!! WALK ME HOME!! CARRY ME HOME PA KUNG GUSTO MO!!
“Ummm . . . sure.” Sagot ko sa kanya.
Bigla namang lumaki yung ngiti ni Iñigo at feeling ko maiihi ako sa kilig. Pero siyempre sana naman hindi mangyari yun kasi masisira ang moment namin. Hihihi.
“So . . . hindi ka nagpasundo sa driver niyo?” Tanong niya sa kin.
“Ummm . . . elementary palang kami nila Lee at Pami sabay na kaming umuuwi. Dati nagpapasundo kami kaso lang kapag ganun yung situation, mas mabilis kaming nakakauwi at hindi ma kami nakakapag-usap pa ng mas matagal. Whereas kapag naglalakad kami mas masaya tsaka mas matagal kaming nakakapagsama.” Sagot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Si Kuya Piso
Teen FictionOnce is coincidence . . . Twice is fate . . . Pero paano kung paulit-ulit nang nangyayari? Fate pa rin ba? O iba na?