Chapter 2

59 1 4
                                    

(Iñigo’s POV)

                “Ummmm . . . miss, excuse me. Sa’yo ata to, nahulog mo ata.”

                Sabi ko dun sa babae habang inaabot ko sa kanya yung piso na gumulong papunta sa paa ko kanina. Nakayuko siya ngayon kasi may pinulot din siya sa paa niya. Itinaas niya ang ulo niya and then tinignan yung piso sa kamay ko. Tumayo siya ng maayos and then tumingin sa kin.

                She’s in a pair of dark denim jeans, white tank top, brown blazer and chuck taylors. Layered cut yung hair niya na hanggang waist and wavy. She’s fair, maputi, rosy cheeks and matangos yung ilong. She’s also wearing a pair of rimmed glasses na color black but I can see her beautiful almond shaped brown eyes behind it. Nakatingin lang siya sa kin and nakatingin lang din naman ako sa kanya.

                “Meeko!! Meeko!!”

                Narinig kong may sumigaw at tumingin yung babaeng kaharap ko sa direction kung saan nanggaling yung sigaw. May babaeng nakatayo sa pinto ng NBS na papuntang labas ng mall and kumakaway sa kanya. Tumingin ako sa babaeng kaharap ko ulit at nakita ko na nagulat siya sa nakita niya.

                Meeko?

                “Thank you po.” Sabi niya sabay bow ng ulo niya sa kin.

                Maya-maya pa kinuha niya yung piso na inaabot ko sa kanya kanina at nilagay yun sa bulsa niya. Inayos niya yung gamit niya and then kinuha yung illustration board na nakaipit sa gitna ng mga legs niya. Tumakbo siya papunta dun sa babae na sumigaw kanina at nag-usap sila. Pinapanood ko siya ng may biglang umakbay sa kin.

                “Iñigo! Dito ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap tol.” Sabi sa kin ng kaibigan ko na si Migs.

                Hindi ko siya pinansin at patuloy pa rin na tinignan yung babaeng kaharap ko kanina. Meeko.

                “Uy! Tulala ka diyan dre. Problema ba?” Tanong ni Migs.

                I looked away from her tapos sa mukha ng kaibigan ko.

                “Wala. Alis na tayo.” Sabi ko sa kanya at nagsimula na akong maglakad palabas ng NBS at papasok ng mall. Tinignan ko yung kamay ko na may hawak sa piso kanina at hindi ko napigilan ang sarili ko ngumiti.

O             O             O

(Meeko’s POV)

                “ANG TAGAL NIYO!!!”

                Sigaw ng mga ka-group namin sa amin habang papalapit kami sa kanila ni Pami. Nagkaupo sila sa isang malaking upuan na nilagay ng management ng mall sa gitna ng buong mall para maging waiting and sitting area sa mga tao.

                “Uy! Mga walanjong mga to . . . wag kayong sumigaw! Palabasin tayo dito sa mall.” Sabi ko sa kanila nung marating na namin sila.

                “Eh bakit kasi ang tagal niyo? Kanina pa kaya kami naghihintay dito.” Sabi ni Lee na, aside kay Pami, bestfriend ko rin.

                “Hoy lalake, anong hintay hintay ka diyan . . . eh kakabukas lang ng mall noh.” Sabi ko sa kanya.

                Nagtawanan yung mga fellow groupmates namin sa sinabi ko kay Lee. Twelve kaming lahat sa grupo and sa ngayon, dahil dumating na kami Pami, kumpleto na kami.

                “Tara na guys! Alis na tayo para matapos natin agad yung project!” Sabi nung group leader namin na si Carlo.

                “Agad? Di ba pwedeng kain muna tayo?” Sabi ni Benji na classmate namin.

                “Oo nga . . . kain muna tayo.”

                “Sige na Carlo . . . chibog muna tayo.”

                Isa-isang nakiusap yung mga kaklase ko kay Carlo na kumain muna kami. Hayyy naku . . . aminin na nga natin ang totoo, minsan talaga mahirap talikuran ang gutom. Kahit ako eh, umalis ako ng bahay kanina ng hindi kumakain.

                “Oh siya siya. Sige na, kumain na muna tayo.” Sabi ni Carlo at parang ewan naman na nagsaya ang mga kaklase ko.

                “Akin na nga yan. Lumiliit ka lalo eh.” Sabi ni Lee sa kin at kinukuha yung dala-dalawa kong paper bag ng NBS.

                “Alam mo . . . gagawa ka nalang ng mabuti mang-aasar ka pa.” Sabi ko sa kanya at ibinigay sa kanya yung paper bag ko.

                “Sus! Lee yan eh!” Sabi ni Pami at ibinigay din niya kay Lee yung hawak niyang illustration board.

                Tumawa kaming dalawa and then I looped my hand through hers at binilisan naming maglakad para sumunod sa grupo namin na nakasakay na sa escalator.

                “Uy uy uy!! Wag niyo naman akong iwan dito! Tulungan niyo ko!!” Sigaw sa min ni Lee.

                “KAYA MO NA YAN!!!” Sigaw namin ni Pami sa kanya ng sabay at tumawa kami.

                Sumampa na kami sa escalator and tinatawanan pa rin namin siya habang sinusubukan niya kaming habulin. Oo nga bestfriend namin siya pero siyempre minsan masaya din pag-tripan ang kaibigan. Hehehehe.

                Inasar ni Pami si Lee habang ako naman tumingala sa taas ng escalator to make sure na hindi na kami iniwan ng mga ka-grupo namin. I expect to see our groupmates pero iba ang nakita ko.

                Nakasakay din sila ng escalator pero pababa sila habang kami paakyat. May kasama din siyang grupo pero sa ngayon, may kausap siyang lalake na naka-blue t shirt at loose jeans. The moment na nakita ko siya, he looked up and then his eyes met mine.

                We just held each other’s gaze hanggang sa kailangan ko ng lumingon para lang makita siya. Nakarating na siya sa pinakababa ng escalator na sinasakyan nila habang ako naman, nakarating na sa pinakataas ng escalator na sinasakyan namin. Tumabi ako para makadaan yung mga tao sa likod ko at tumabi rin siya para makadaan yung mga tao sa likuran niya.

                Hindi pa rin naghihiwalay yung mga tingin namin sa isa’t isa.

                “Meeko! Tara na!” Sigaw ni Pami sa kin at lumingon ako sa kanya.

                “Wait lang! Mauna ka na!” Sabi ko.

                “Sure?” Tanong niya.

                Tumango ako sa kanya at tumingin ulit ako sa baba ng escalator. Nakita ko na nakalingon din siya sa likod niya at tumango siya sa kaibigan niya na tumawag din sa kanya. He looked and our eyes met once again. I smiled at him and parang magic . . . he smiled back at me.

                “MEEEEEEEEKO!!!!!” This time, si Lee na ang tumawag sa akin at nakita ko na nasa loob na sila ng KFC.

                I looked down one last time at tumalikod na. I walked towards my friends pero yung ngiti ko hindi ko maintindihan kung saan nanggaling. I have never felt this feeling before pero sobrang saya ko na naramdaman ko to. hindi ko alam kung paano at ano tong nararamdaman ko pero alam ko kung sino ang dahilan nito. Kinuha ko ulit yung piso sa bulsa ko at tinignan ito.

                Kuya Piso.

AUTHOR'S NOTE:

     Okay, tulad ng ginawa ko sa Blue Rose Locket, I typed this story first sa MIcroWord and medyo marami na ring chaps ang nagawa ko . . . pero eto nalang muna siguro yung i-uupload ko. I would like to ask for your feedback kasi kung okay yung story or hindi para malaman ko kung itutuloy ko pa yung pagsulat nito or hindi.

     Thank you guys!! Da best talaga kayo!! Salamat sa pagbabasa :))) Wab u!!

-izza <3 <3 <3

Si Kuya PisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon