Chapter 19

25 0 0
                                    

(Meeko’s POV)

                We are having a really great time sa mall. Nagkwentuhan kami, nag-skating sa Ice Skating rink at naglaro sa Time Zone.

                “So . . . do you want to watch a movie?” Tanong sa kin ni Iñigo.

                “Umm . . . sure!” Sagot ko.

                Siyempre CHANCE na to mga bebe ko . . . and chances are meant to be grabbed not ignored. MUHAHAHAHA!

                Pumunta kaming movie house and the pumili ng movie.

                “Anong gusto mo?” Tanong niya sa kin habang nakatingala kami sa screen ng mga showing na pelikula.

                “Ummm . . . Nood tayo Beautiful Creatures. Napanood ko kasi yung trailer niyan nung last time nanood kami ng movie nila Lee at Pamy dito. Feeling ko maganda naman siya.” Sabi ko sa kanya.

                “Sure. Beautiful Creatures it is.”

                Pumila kami para kumuha ng ticket and then pagkatapos nun, dumiretso sa food stand para bumili ng popcorn at drinks. Kahit na sabi ko na okay lang na ako nalang ang magbayad sa food ko, nilibre pa rin ako ni Iñigo. Sabi niya siya daw nagyaya kaya libre daw niya. SCORE repapips!! LIBRE!!

                Pagpasok namin ng sinehan, nahirapan akong makakita kasi limited lang ang ilaw at madilim. May night vision blindness kasi ako. Ibig sabihin, kapag gabi na or medyo madilim, nahihirapan akong makakita kasi nahihirapan mag-adjust yung mga mata ko. Nag-start to nung nagsimula akong mag-glasses dahil sa panlalabo ng mga mata ko.

                “Umph.” Sabi ko nung matisod ako sa paglalakad.

                Agad naman ipinalibot ni Iñigo yung kamay niya sa bewang ko para i-guide ako sa paglalakad. Wait lang, kanina pagpasok namin dito sa sinehan napakalamig ah. Bakit biglang uminit?!

                Nang makakita na kami ng ‘best spot’ ni Iñigo para mapanuod yung movies, umupo na kami dun and then hinintay yung movie.

                Dumakot siya sa bucket ng popcorn namin (share kami eh hehe) pero hinampas ko yun kamay niya.

                “Bakit?!” Sabi niya sa kin sabay pout. Awww . . . ang cute niyang tignan!!

                “Bawal kumain hangga’t di pa nagsastart yung movie. Sige ka, mabibilaukan ka niya.” Sabi ko sa kanya.

                Hindi niya pinansin yung sinabi ko and then dumakot ulit siya. Maya-maya pa, biglang tumunog yung speakers sa start ng pagpapakita nila ng movie. Sa sobrang unexpected ng tunog, lahat ng tao sa loob ng sinehan nagulat, kasama na si Iñigo na kumakain.

                Maya-maya pa, nagsimula na siyang umubo and ako naman hinimas yung likod niya.

                “Sabi sa’yo eh. Mabibilaukan ka.” Sabi ko sa kanya.

                Binuksan ko yung isang can ng Coke and then ibinigay yun sa kanya.

                “Thanks.” Sagot niya sa kin pagkatpos niyang uminom at pagkatapos rin ng pag-ubo niya.

                “You’re very welcome.” Sagot ko sa kanya.

                Mga ilang minutes palang na nagsisimula yung movie, bumulong sa kin si Iñigo.

Si Kuya PisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon