(Meeko’s POV)
Nung makita kami ni Migs, agad siyang tumakbo papunta sa kin and kinuha si Migo sa mga kamay ko.
“Saan mo siya nakita?” Bulong niya sa kin para hindi magising si Migo.
“Nandun siya nakaupo sa may puno ng mangga sa kabilang street. Kaya pala hindi natin siya nakita kanina kasi sa malayong streets tayo naghanap and hindi sa malalapit. Buti nalang nag-shortcut ako kanina.” Sagot ko sa kanya.
“Salamat talaga Meeko ha.” Sabi niya sa kin and I saw relief flash through his face.
“Wala yun.” Sagot ko sa kanya. “Parang kapatid ko na rin naman kasi to si Migo eh.” Sabi ko and then hinaplos ko ulit yung buhok ni Migo.
Just then, tumigil yung sasakyan ng Daddy nila Migs sa harap namin and lumabas ang Daddy niya sa kotse. Pumunta siya sa min and then agad niyang kinuha si Migo kay Migs. Ikinuwento sa kanya ni Migs kung saan ko nakita si Migo and agad namang nagpasalamat sa kin ang Daddy nila. Parehas lang yung sinagot ko sa thank you niya sa thank you kanina ni Migs. Pumasok na siya kaagad ng bahay nila para dalhin si Migo sa kwarto niya and naiwan kami ni Migs sa labas.
“Thank you talaga Meeko ha. Grabe, kinabahan talaga ako dun kanina. Tatawag na ako ng pulis eh!!” Sabi ni Migs and he ran his hand through his hair.
“Ano ka ba, sinabing wala nga yun di ba? Haha . . . malulunod na ko sa mga thank you’s mo oh.” Sabi ko sa kanya.
Tumawa kaming dalawa pero bigla namang naputol yung tawa ko nang bigla akong hinalikan ni Migs. Sa lips.
“Migs anong—“
Hindi pa ako tapos magsalita ng may biglang humablot kay Migs mula sa likod and parang naka-fastforward ang lahat na one second kaharap ko lang si Migs and the next second nakahilata na siya sa lupa, dumudugo ang ilong and si Iñigo naman ang nakatayo sa harap ko and may dugo sa kamao niya.
O O O
(Iñigo’s POV)
The moment na lumabas yung doctor sa ICU, agad na lumapit sa kanya si Mommy and Ate Carmy. Ako naman, dahan dahan kong ibinaba yung cellphone ko na nakatapat sa tenga ko and ibinalik yun sa bulsa ko.
Meeko . . . nasaan ka?
“Doc . . . kamusta ang asawa ko?” Tanong ni Mommy sa doctor.
“Misis . . . tatapatin ko kayo. Earlier, nung nakita niyong nagkakagulo kami, fifty-fifty na po yung condition ng husband niyo nun. We thought we were going to lose him.” Sabi ng doctor and umiyak na naman si Mommy at Ate Carmy. Ako naman, lalo ko pang kinailangan si Meeko. Pakiramdam ko bibigay ako ngayon kung hindi ko makakasama si Meeko. “But your husband is a fighter. He fought and ngayon, stable na siya. He’s in coma pero he’s out of the critical stage. We can now transfer him out of the ICU.”
Nung sinabi yun nang doctor, nakahinga kami ng maluwag and kaagad na umalis si Mommy kasama yung doctor to do some paper work. Ate Carmy started following them pero tumigil siya and then umupo sa tabi ko. Hindi ko nga namalayan na nakaupo pala ako kasi iniisip ko kung nasaan na si Meeko dahil halos four hours na ang nakalipas and hindi pa rin siya pumupunta dito. Hindi niya sinasagot ang mga taeag at texts ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Si Kuya Piso
Teen FictionOnce is coincidence . . . Twice is fate . . . Pero paano kung paulit-ulit nang nangyayari? Fate pa rin ba? O iba na?