(Meeko’s POV)
Umalis ako ng Pilipinas. Walang nakaalam na umalis ako maliban kay Migs na siyang naghatid sa akin sa airport. Kinausap niya ako ng kinausap sa pagbabaka sakali niya na magbago pa ang isip ko pero desidido na kasi talaga ako. Ayoko na silang saktan. At ayoko na rin masaktan.
Bago pumasok ng airport, dumaan muna kami sa Duty Free and bumili dun ng mga damit para palitan yung mga basang basa na damit namin. Nagbihis kami sa airport CR and pagkatapos nun, dumiretso kaming ticketing office. Dahil sa karakaraka akong aalis ng bansa, medyo kamahalan ang ticket at hindi nagkasya ang cash na dala ko. Hindi ko rin nadala yung credit card ko kaya sa huli, napilitan akong humiram ng pera sa bank account ng Daddy ko para lang makabili ng plane ticket.
Hindi ako nakaalis kaagad dahil naghahasik pa ng lagim ang bagyo sa buong Luzon kaya naman nagpalipas kami ng gabi ni Migs sa airport. Nag-usap kami tungkol sa mga bagay bagay na walang kinalaman sa kinakaharap namin problema. Hindi namin alam yung siguradong oras kung kailan ako lilipad kaya naman nag-usap lang kami ng nag-usap. Maya-maya pa . . .
“Attention to all passengers of flight JK 156 bound for Los Angeles, the aircraft is now accepting passengers for boarding.” Sabi nung overhead speakers and nagkatinginan kami ni Migs.
Yung mga tao sa paligid ko na kasabay ko rin sasakay sa eroplano nagkani-kaniya nang dala ng mga gamit nila and pumila sa may respective flight gate namin pero ako, nanatili pa rin akong nakaupo.
“So . . . hindi talaga kita mapipigilan?” Sabi ni Migs sa akin.
Siguro nagtataka kayo kung paano nakasama ko si Migs dito sa loob ng airport noh? Kanina kasi bumili siya ng ticket din para lang makapasok at masamahan ako dito sa loob (pero hindi kami parehas ng destination, bound for Hong Kong yung ticket niya dahil yun yung naka-promo at pinakamurang ticket kanina). Hindi ko alam kanina kung magiging masaya, malungkot o kikiligin ba ako sa ginawa niyang yun pero ngayon, I’m really glad na ginawa niya yun. ‘Nakaskas’ (ito yung eksaktong term na ginamit niya) man daw ang credit card niya, okay lang daw basta nasamahan niya ako. And masaya naman ako na ginawa niya yun, kasi at least hindi ko naramdaman na mag-isa ako habang naghihintay ako. Kasi kung ganun ang nangyari, nagpasagasa nalang siguro ako sa eroplano sa runway.
Instead na sagutin ang tanong niya, niyakap ko nalang siya. Gusto kong sabihin kung gaano ako nagso-sorry sa kanya sa yakap na yun. Sorry sa hindi ko pagbabalik ng pagmamahal niya sa kin. Sorry kasi hanggang kaibigan nalang talaga ang tingin ko sa kanya and sorry dahil kahit na siya ang kasama ko ngayon dito, alam ko na sa puso ko si Iñigo pa rin talaga ang laman nito.
Dahil naman sa wala akong dala, hindi ko na kinailangan pang mag-abala at dire-diretso nalang akong pumila sa gate namin.
“So . . . I guess this is . . . see you later?” Sabi niya ulit sa kin.
“See you later?” Bakit naman kaya?
“Hindi kasi ako naniniwala na this is goodbye.” Sabi niya sa kin. “You say goodbye to someone na hindi mo na makikita o makakasama pa kahit kailan. And . . . I believe na hindi pa naman ito ang huling pagkikita natin.”
Napangiti naman ako sa sinabi niya.
“I’ll see you later then.” Sabi ko sa kanya.
“See you later . . . Meeko.” Sabi niya sa kin.
We hugged each other for the last time and agad na akong pumasok ng gate.
BINABASA MO ANG
Si Kuya Piso
Fiksi RemajaOnce is coincidence . . . Twice is fate . . . Pero paano kung paulit-ulit nang nangyayari? Fate pa rin ba? O iba na?