(Meeko’s POV)
I stood frozen. Oh my God. This really can’t be happening.
“Is he okay? Ano daw nangyari?” Tanong ko kay Iñigo.
“Yung tumawag . . . si Mommy yun. Sabi niya sa kin bigla nalang daw bumulagta si Daddy sa sala namin kani-kanina lang. Dinala agad nila si Daddy sa hospital and sinabi ng doctor after running some tests with him na heart attack daw. He’s . . . he’s not doing well. He’s critical right now.” Sabi ni Iñigo and tuluyan nang tumulo yung mga luha sa mata niya.
I hugged him and this time, I tried to make him feel the assurance na kani-kanina lang piaparamdam niya sa kin.
“I’m sure he’ll be okay. Tito Joe is tough. Kaya niya yan.” Sabi ko kay Iñigo and niyakap na rin niya ako.
Hindi ko alam kung anong nangyayari ngayon sa mundo at kung bakit parang nagkakasabay sabay ang mga problema namin pero isa lang ang alam ko, hindi ko bibitawan si Iñigo.
Humiwalay ako kay Iñigo and hinawi ko yung buhok niya na napunta sa mga mata niya.
“He needs you right now. You should go.” Sabi ko sa kanya.
“Pero . . . pano ka? And . . . paano yung . . . problema natin?” Sabi niya sa kin and ngayon, compared sa problema na kinakaharap ni Iñigo, parang ang liit liit lang ng problema ko.
“It’s gonna be fine. Pag-usapan nalang natin yun. I mean, we’ve still got time right? Now, go to your Dad. He needs you.”
Alam kong gusto na rin pumunta ni Iñigo sa Daddy niya pero nararamdaman ko ang reluctance niya. Kaya naman gagawin ko ang lahat para maging isang supportive girlfriend para sa kanya.
“Ganito nalang, you go FIRST and then maliligo lang ako and then magbibihis and magpapahatid ako kay Manong Ben. I-text mo nalang ako kung saang hospital ang Daddy mo ang pupunta ako dun.” Sabi ko sa kanya.
“Okay, thank you babe. Thank you very much.” Sabi niya sa kin and niyakap niya ako ulit.
Tinext niya si Ate Carmy na ngayon pala ay nasa condo niya and minutes later, dumating na siya dala-dala ang kotse niya and I can see the worried expression on her face. Hindi na nga siya nakababa ng kotse niya kaya naman mabuti nalang at hinintay na namin siya ni Iñigo sa gate ng bahay.
“I’ll text you when we get there.” Sabi sa kin ni Iñigo and hinalikan niya ako sa cheek. “I love you.”
“I love you too. Promise, susunod ako.” Sabi ko sa kanya and hinalikan ko rin siya.
Agad na siyang pumasok sa sasakyan ni Ate Carmy and I waved at them bago sila umalis. I just really hope Tito Joe is okay na. nung hindi ko na makita yung car ni Ate Carmy, isinara ko na kaagad yung gate and pumasok na ako ng bahay. Kakasara ko lang pinto ng bahay ng marinig kong mag-ring yung doorbell. Napatigil naman ako bigla and nakita ko si Dina na papunta na sa pinto para siguro tignan kung sino yung nasa gate.
“Dina! Hindi na! Ako nalang. Baka si Iñigo yan eh. Okay lang.” Sabi ko sa kanya and nagmadali akong lumabas.
Halos tinakbo ko na papunta ng gate and nagulat ako sa nakita kong nakatayo dun.
BINABASA MO ANG
Si Kuya Piso
Teen FictionOnce is coincidence . . . Twice is fate . . . Pero paano kung paulit-ulit nang nangyayari? Fate pa rin ba? O iba na?