(Meeko’s POV)
Bumaba kami ni Iñigo sa taxi sa tapat ng bahay. I opened the gate and then pumasok kaming dalawa sa bahay. Nang isinara ko yung pinto, bigla namang lumabas si Mommy mula sa pinto ng kitchen namin.
“Oh, back so soon?” Sabi niya sa min.
“You guys told me to come home early, right?” Sagot ko naman sa kanya habang tinatanggal niya yung apron sa bewang niya.
Tumawa sa kin si Mommy and napansin ko na nakabihis ata siya ngayon.
“Aalis kayo ni Daddy?” Tanong ko sa kanya.
“Huh? Oh hindi ah. This morning while your Dad and I were going for a walk, nakilala namin yung mga bagong neighbors natin. And I asked them to come to dinner tonight dito sa bahay. They agreed naman.” Sagot ni Mommy.
“Ahhh . . . si Daddy nasaan?”
“Nasa kwarto, changing clothes. By the way . . . Iñigo, iho . . . you’re welcome to join us for dinner.” Sabi ni Mommy at tumingin siya kay Iñigo.
Ngumiti naman si Iñigosa kanya and then he looked at me then back to my mom.
“Tita, thank you po sa offer. Pero nag-usap po kasi kami kanina ni Ate Carmy na sabay po kaming magdidinner. Sa condo niya po kasi ako ngayon nagsa-stay for the weekend para may makasama siya.” Sagot ni Iñigo kay Mommy.
Awwwww . . . ang sweet naman pala ng lalakeng to. Pero kahit gaano ka-sweet yung excuse niya hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na malungkot kasi hindi siya makakasama sa dinner namin. Awwwww.
“Well, that’s too bad. Maybe next time iho, you can bring your sister.” Sabi ni Mommy sa kanya.
“Okay po. Well, Tita mauuna na po ako. baka po kasi hinihintay na ako ni Ate.” Reply niya.
“Oh sure, sure. Ingat ka sa daan ha.” Sabi ni Mommy sa kanya.
“Thank you po. Pakisabi na rin po kay Tito na mauuna na ako.”
Shemayyyyyy . . . ang bait namang bata netong bebe ko!! Joke!! Maka-bebe naman ako hiyang hiya naman siya sa kin.
Inihatid ko si Iñigo salabas ng gate and then sabi niya tatawagan nalang daw niya ako mamayang gabi. Ayiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiieeeeeeeeeee!!!!!!!!! Kilig much naman ang peg ko dun!!!!
And like the gentleman he already is, hinintay niya muna na makapasok ako ng bahay bago siya umalis. Awwww . . . ilang beses ko na to sinasabi pero uulitin ko ulit, ang SUWEET naman niya!
Umakyat ako sa kwarto ko para makapagbihis na rin. Parang family dinner lang naman ang gagawin namin kaya simple dress lang yung sinuot ko. After nun, dumiretso akong sala para manood muna ng MTV. I was singing along to some of the songs nang biglang tumunog ang doorbell namin. I got up and went to the door at the same time my Mom told me to get it.
“Hi Ate Meeko! Sabi sayo magkikita tayo eh!” Pambungad sa kin ni Migo.
“Oo nga noh. Ang galing mo naman! Psychic ka ba?” Biro ko sa kanya. “Good evening po.” Sabi ko naman sa mga parents nila.
BINABASA MO ANG
Si Kuya Piso
Teen FictionOnce is coincidence . . . Twice is fate . . . Pero paano kung paulit-ulit nang nangyayari? Fate pa rin ba? O iba na?