(Iñigo’s POV)
Kumatok at nagtawag ako sa bahay nila Migs pero walang sumagot. Sinubukan ko ulit for the second and third time pero wala pa rin.
Baka umalis na yun. Sabi ko sa sarili ko.
Just as I was turning to leave, bumukas yung pinto nila and nakita ko siya na basa pa yung buhok and may naka-drape na towel sa leeg niya at ipinupunas niya yun sa buhok niya.
“Sorry bro . . . naliligo kasi ako eh. Nagbihis ako kaagad nung nagtawag ka.” Sabi niya sa kin.
“Wala yun.” Sabi ko sa kanya at pinapasok na niya ako sa bahay nila.
“So . . . bakit ka napasugod dito? Umalis si Meeko?” Tanong niya sa kin.
Umupo ako sa sofa nila habang siya naman sinusuklay yung buhok niya. I looked around and okay naman ang bahay nila. Medyo nakakalat lang yung mga laruan ni Migo pero other than that, okay naman na yung bahay.
“Hindi . . . sinabihan ako ni Meeko na tawagin daw kita kasi sabay daw tayong magtatanghalian.” Sagot ko sa kanya.
“Ahhhh . . . okay lang ba yun sayo? Kasi kung hindi . . . pwede pa rin naman akong kumain sa labas.” Sabi niya sa kin at itinigil niya yung pagsuklay ng buhok niya sa akin at tinignan niya ako.
“Bakit naman hindi magiging okay yun?” Tanong ko sa kanya.
“Alam mo na . . . yung nangyari kanina . . . Bro, pasensya na talaga kanina ha. Hindi ko naman yun sinasad—“ Itinaas ko ang kamay ko at tumigil sa pagsasalita si Migs.
“Wala yun, bro.” Sabi ko sa kanya and ngumiti pa nga ako para lang maipakita na wala na talaga sa kin yung nangyari kanina. “Nag-explain na si Meeko sa akin kanina and I believe her. Kung sinabi niyang wala, naniniwala akong wala. And . . . I trust you. Alam ko namang wala kang gagawin para lang masira kami ni Meeko di ba? Dahil best friend kita.”
Nakatingin lang sa kin si Migs habang sinasabi ko yun. Maya-maya pa, dahan-dahan siyang ngumiti at humarap na naman sa salamin habang nagsusuklay.
“Lakas talaga ng tama mo kay Meeko, pre. Nagsesenti ka na diyan oh.” Asar niya sa kin.
Binato ko siya nung towel niya at nagtawanan kaming dalawa. I’m glad na kahit papaano eh tropa ko pa rin to si Migs.
“Pero bro . . . sana . . . di na mauulit yung kanina ha.” Sabi ko sa kanya nung matapos na siyang magsuklay at palabas na kami ng pinto nila.
“Sure bro, sure.” Sagot ni Migs sa kin.
And with that, I trusted my best friend not to steal my girlfriend.
O O O
(Meeko’s POV)
Umalis na si Iñigo para sunduin si Migs at ako naman, dumiretso na sa kitchen para magluto ng tanghalian namin.
I’m really excited na wala ngayon si Dina at ako lang yung magluluto. Don’t get me wrong, I really like Dina pero sa tuwing wala kasi siya yun lang yung time na nakakapagluto ako eh. Lalo na kung wala din si Mommy. Ever since the world began kasi mahilig na akong magluto and natuto naman ako sa kakapanood kila Dina, Mommy at ng mga cooking shows sa TV.
BINABASA MO ANG
Si Kuya Piso
Roman pour AdolescentsOnce is coincidence . . . Twice is fate . . . Pero paano kung paulit-ulit nang nangyayari? Fate pa rin ba? O iba na?