Chapter 9

26 0 2
                                    

(Iñigo’s POV)

                NAG-COMPLIMENT SIYA!!!!!!!!

                Alam kong parang babae ako ngayon na kinikilig pero kasi yun yung nararamdaman ko eh. I love playing music and eto yung first time na talagang nasiyahan ako sa paggawa ko nito.

                Bumalik na kami sa sala at umupo ulit kami dun sa couch. Wala pa rin sila Pami at Lee and I wondered kung nasaan na sila. Pero sana kung nasaan man sila tagalan pa nila para makasama ko pa ng mas matagal si Meeko.

                “So . . . what do you like to do?” Tanong ko sa kanya habang umiinom siya ng Coke niya.

                “Hmmmm . . .” Sabi niya habang ibinababa yung baso niya. “I like to read, eat, sleep listen to music, watch movies . . . madami eh . . .”

                And we started to talk. We talked about our likes, dislikes, hobbies, favorites . . . she’s just easy to talk to. And napansin ko na hindi siya maarte. Ubod ng kulit na parang isip bata pero I find it cute. NAKU NAMAN!! UNTI-UNTI NA ATA AKONG NAHUHULOG AH!

                Nalaman ko na I’m a year older than her. Fifteen siya, sixteen naman ako. We’re both fourth years and parehas kaming graduating. She’s an only child, afraid of heights, likes to watch cartoons, loves chocolates and hates watching horror movies. Pero aside sa mga sinabi niya na yun, may mga nalaman din ako sa kanya na napapansin ko lang habang nagkakasama kami.

                First of all, may sarili siyang dictionary. Habang nag-uusap kami minsan may mga masasabi siya na ngayon ko lang narinig. Tulad ng piggy pig pig, jokesters, shemomai at marami pang iba. Second, she does not curse. And I figured kaya niya na-invent yung ibang mga words niya as substitute for cuss words. Third, kapag naiilang siya or nahihiya, mahilig siyang yumuko and forth, super down to earth niya. Which is very surprising kasi kwinento niya sa kin kung ano ang trabaho ng parents niya and should I say, DAMN THEY ARE RICH!! Pero kahit ganun ang simple pa rin niya at ang humble. Uulitin ko ulit, NAHUHULOG NA ATA AKO AH!!

                “Okay, okay . . . may joke ako. Ano ang first name ni Pikachu?” Sabi ko sa kanya.

                “Ano?” Sagot niya sa kin and I saw her eyes sparkle in anticipation.

                “Cherry Pie.” Sabi ko sa kanya and I expected her to laugh pero ibang reaction ang nakuha ko. Biglang kumunot ang noo niya.

                “Cherry pie?”

                “Oo, cherry pie.”

                Lalo pang kumunot ang noo niya and nakita ko na ang lalim ng iniisip niya. She pushed her glasses up her nose and tumingin sa kin.

                “Halaaaa . . . hindi ko gets. Explain please.”

                Nabigla ako sa sinabi niya at tumawa ako ng napakalakas. Nakahawak na ako sa tiyan ko at nawawalan na ako ng hininga pero di pa rin ako makatigil sa pagtawa.

                “Uy . . . Iñigo . . . wag mo naman akong tawanan. Ang sama mo.”

                Bigla akong napatigil sa pagtawa at tumingin sa kanya. Hindi nga siya nagbibiro. Mukhang gulung-gulo nga siya sa joke ko.

                “Cherry pie. Cherry Pie Pikachu. It should be Cherry Pie Pikache pero pinalitan yung Pikache ng Pikachu.” Explain ko sa kanya and after sometime, realization hit her and tumawa na siya.

Si Kuya PisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon