Chapter 27

24 0 0
                                    

(Meeko’s POV)

                Third to the last station sa LRT yung bababaan namin ni Migs kaya naman medyo mahaba habang biyahe. But I didn’t mind the distance kasi nag-eenjoy ako sa mga nakikita ko sa bintana ng train. Sa ngayon, nakatayo na si Migs kasi binigay niya yung upuan niya dun sa may pregnant lady na kakasakay lang and walang upuan.

                Tumigil ulit yung train sa isang station and lalong dumami yung mga tao sa loob ng train. Napansin ko yung old lady na sumakay na dahil sa walang upuan ay napilitan nalang tumayo. I looked around and nakita ko na marami namang lalake na nakaupo sa mga upuan pero walang kumibo sa kanila kahit isa.

                During my first time riding a train, may isang bagay akong napansin. Ang konti na talaga ng mga gentleman ngayon sa mundo. Lalong lalo na dito sa train. Nakapaskil na nga sa mga walls ng train na to give way to pregnant women, elderly, disabled and to children pero wa epek pa rin sa mga tao. Nakakairita naman!!!

                The train started moving and nakita ko na nahihirapan si Lola na tumayo.

                “Migs . . . can you do me a favor?” Sabi ko kay Migs na nakatayo sa harapan ko ngayon.

                “Yeah? Ano ba yun?” Tanong niya sa kin.

                “Tawagin mo naman si Lola.” Tinuro ko yung matanda kay Migs. “Papuntahin mo siya dito.”

                “Bakit?”

                “Basta lang. Sige na please.”

                “Umm . . . okay?”

                Dahil nasa likod lang ni Migs si Lola, madali niya itong natawag at na-guide papunta sa akin.

O             O             O

(Migs’ POV)

                Inalalayan ko si Lola na makalapit kay Meeko. Hindi ko nga alam kung anong gustong gawin neto ni Meeko pero tinulungan ko nalang siya.

                Nung makaharap na niya si Lola, ngumiti siya dito and tumayo sa kinauupuan niya.

                “Lola . . . kayo nalang po umupo dito.” Sabi niya kay Lola and then humawak sa isa sa mga hawakan sa handle bars.

                “Naku iha . . . Salamat ha. Ipagpalain ka ng Diyos.” Sagot ni Lola sa kanya at dahan-dahan itong umupo sa upuan ni Meeko kanina.

                “Wala po yun. Mas kailangan mo po yan kaysa sa akin.”

                Ngumiti si Lola kay Meeko and ngumiti din naman ito. She looked at me and then smiled.

                Hindi ko rin naman mapigilan ang sarili ko na humanga dito kay Meeko. Anak mayaman at halos lahat na binigay sa kanya. Sobra sobra pa nga siguro ang natatanggap nito eh. Pero heto pa rin siya, hindi takot na ibigay ang upuan niya sa isang matandang nangangailangan nito.

                Inaamin ko nung una hindi ko nga inakala na mayaman to eh. Kasi sa unang tingin mo sa kanya ang simple simple niya lang. Ni wala nga siyang kakeme keme sa katawan eh.

                Kanina tuwang tuwa ako sa kanya kasi nakita kong excited na excited siya sa pagsakay ng LRT. Kung iisipin nga hatid dunso na to ng kotse nila pero mas gusto pa niyang mag-LRT. Secret pa daw namin. Elibs na talaga ako sa babaeng to.

Si Kuya PisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon