PROLOGUE

11.8K 340 8
                                    

Si Akira Montenegro ay isang simpleng babae na nag-aaral sa Kitsune Academy. Ang Kitsune Academy ay isang eskwelahan para sa mga mayayamang estudyante sa lipunan. Marami ang nagtataka kung paano nakapasok sa academy si Akira dahil base sa pananamit nito ay hindi masasabing kabilang ito sa mga elites. Jeans at Tshirt, black plain doll shoes, washable sling bag, mahabang buhok na laging nakapusod at malaking eyeglasses --- yan si Akira, ang tinaguriang "Ms. Nobody" ng Kitsune Academy.


Si Kanji Shin ang susunod na magiging Celestial Fox. Sa henerasyon nya ay sya ang pinalamalakas na nine tailed fox. Ngunit tatalikuran nya ang nakatakda sa kanya upang sundan sa mundo ng mga tao ang kanyang mahal na si Inaki Tanara na isa ding nine tailed fox upang hikayatin ito na bumalik sa mundo nila.


Paano kung magtagpo ang mga landas nina Akira at Kanji?..mapanatili kaya ni Akira ang pagiging nobody nya sa academy?..magtagumpay kaya si Kanji na maibalik sa mundo nila si Inaki bago sumapit ang pagtatakda sa kanya bilang isang Celestial Fox?..


Ano kaya ang mga mangyayari sa pagtatagpo ng isang nine tailed fox at ng isang tao?

He is a Nine Tailed Fox?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon