Psalm 37:7
Be still before the Lord and wait patiently for him; do not fret when people succeed in their ways, when they carry out their wicked schemes.
AKIRA POV
"Shin..bilisan mo"
Kung alam ko lang na mabagal palang magbihis si Shin, sana 4am pa lang ay ginising ko na sya..tsk..kailangan pa naman nyang pumasok ng maaga..kakausapin pa sya ng principal dahil transferee sya..
Ilang minuto pa bago sya lumabas ng kwarto nya..tiningnan ko lang sya at naglakad na palabas ng unit ko..sumunod naman agad sya sakin hanggang sa makalabas kami ng building..
"nasaan na ang sasakyan mo?"
Tanong nya sakin..napabuntung hininga na lang ako..
"ito ang tatandaan mo..sa Kitsune Academy..ako ang pinakamahirap na estudyante.."
"what??..paano nangyari yun?..eh kayo ang may ari nun"
Isang buntung hininga ulit ang pinakawalan ko..so kailangan ko talagang ikwento sa kanya ang lahat..tss...
"hindi nila alam na ako ang anak ng may ari ng school..so you better shut your mouth..kung ayaw mong magkagulo tayo",
Yun na lang ang sinabi ko at pumara na ako ng jeep..sumakay ako at ganun din ang ginawa nya..first time nya sigurong sumakay sa jeep..panay kasi ang tingin nya sa paligid nya..
"bakit ayaw mong sabihin sa kanila?",
Napatingin ako sa kanya..umiling na lang ako at hindi na nagsalita..hanggang sa makarating kami ng campus ay tahimik pa din ako..hindi na din naman sya nagsalita..
Nang makapasok kami sa school ay lahat nakatingin samin..lalo na kay Shin..
"ang gwapo naman nya..bago lang kaya sya?"
"bakit may kasamang gwapo yung manang at nerd na yun?"
"omg!!..ang pogi nya..pero bakit kasama nya si nobody?"
Ilan lang yan sa mga narinig ko..lihim na lang akong napairap..
"ganito ba talaga dito?..alam ko namang pogi ako..pero bakit kailangan pa nilang ipamukha sakin?"
Tiningnan ko lang sya at nagpatuloy na ako sa paglalakad..tss..mahangin din pala ang isang ito...bagay silang magsama ni Miro..
Inihatid ko sa principal's office si Shin bago ako pumasok sa classroom ko..sana hindi ko sya kaklase..pagkarating ko sa classroom ay agad akong naupo sa upuan ko..nakita ko kasi si Miro na nakatingin sakin..alam kong may binabalak na naman yan sakin..ilang saglit nga lang ay may lumipad na crumpled paper sa mukha ko..buti na lang na may salamin ako kaya hindi natatamaan ang mga mata ko..hindi ko na lang pinansin ang pamamato sakin dahil alam ko namang si Miro ang may pasimuno nun..at dahil sa walang epekto ang pamamato nila ay tumigil na sila..kaso itong si Miro ay lumapit sakin..tumungo na lang ako..
"balita ko, may kasama kang lalaki kanina..sino yun?"
Napataas naman ang kilay ko sa tanong ni Miro..pero dahil sa nakatungo ako, hindi nya nakita ang pagtaas ng kilay ko..hindi ko sya sinagot..nanatili lang akong nakatungo kahit nangangalay na ang batok ko..
"tinatanong kita"
Biglang may lumipad na eraser sa ulo ko..oh great..just great..
"hoy..tinatanong ka ni prince Miro..sumagot ka"
Sigaw sakin nung babaeng bumato sakin..hindi pa rin ako kumibo o nagsalita..tss..5 minutes pa bago dumating ang teacher namin..ang tagal naman nya..5 minuto ko pang pagtitiisan ang lalaking ito..
"boyfriend nya ako"
Agad akong napatunghay nang may magsalita sa may pinto ng classroom..napatulala na lang ako ng makita kong si Shin ang nagsalita..
"T-teka..anong ginagawa mo dito?"
MIRO POV
"T-teka..anong ginagawa mo dito?"
Napatingin ako kay Akira..sa tagal ng panahon na lagi ko syang tinatanong, ni minsan hindi nya ako inimikan..tapos yung lalaking yun..na hindi naman sya kinakausap ay inimikan nya..
"dito rin ang room ko..so i guess we're classmates.."
Nakangiting sabi nung lalaking nagpakilala na bf nya..tss..akalain mo yun..may magkakagusto pala sa nerd na ito..
"ako nga pala si Kanji Shin..transferee ako..at boyfriend ako ni Akira"
"Shin!!!"
Medyo malakas na sabi ni Akira..napailing na lang ako at bumalik na sa upuan ko..ngayon ko lang ata nakita si Akira na may emosyon..para syang naiinis na ewan..tss..ngayon ko lang din ata narinig ang boses nya..at yun ay dahil sa lalaking transferee..
BINABASA MO ANG
He is a Nine Tailed Fox?!
FantasiNine Tailed Fox..isang nilalang na mahirap paniwalaan kung totoo nga ba o gawa gawa lang ng mga taong malawak ang imahinasyon..pero paano kung ikaw mismo ay makakilala ng isang nine tailed fox?..anong gagawin mo?..maniniwala ka ba o iisipin mo din n...
