CHAPTER 61

2.6K 142 15
                                    

Psalms 23:2-3

He makes me lie down in green pastures, he leads me beside quiet waters, 3 he restores my soul. He guides me in paths of righteousness for his name's sake.




*****


AKIRA POV


"Matulog ka na. Dito lang ako."


Seryosong sabi ni Shin. Katatapos lang namin kumain at nandito na kami sa kwarto ko. Ang totoo naiilang ako sa kanya dahil dun sa mga sinabi nya kanina pero pinilit kong maging normal sa harap nya kahit na nagwawala na ang puso ko.


Hihiga na sana ako ng magring ang phone ko. Pagkatingin ko dito ay si Miro pala ang natawag. Akala ko si mommy na. Matagal tagal na din kasing hindi natawag ang parents ko. Namimiss ko na sila.


"hello Miro. Napatawag ka?"


"Pasensya na sa abala hah. Kasama mo si Shin diba?"


Napatingin ako kay Shin na nakakunot na ang noo.


"oo, bakit?"


"Nandito kasi ako sa condo ni Inaki. Pinapapunta nya si Shin dito."


Natigilan ako saglit nang marinig ko ang pangalan ni Inaki. Anong kailangan ni Inaki kay Shin sa ganitong oras?


"Sige. Sasabihin ko na lang sa kanya."


"Sige Akira. Salamat and good night."


"Sige. Good night din."


Pagkababa ko ng tawag ay tumingin ulit ako kay Shin.


"Pinapapunta ka daw ni Inaki sa kanila."


Medyo nagulat si Shin sa sinabi ko. Ako naman ay nag-iwas na lang ng tingin.


"Bakit daw?"


"Hindi ko alam."


"Sige pupuntahan ko na muna sya. Pababantayan na lang kita kina Louie. Sasabihin ko na dun na sila magbantay sa labas ng kwarto mo."


Pagkasabi nya nun ay inilabas nya ang siyam nyang buntot at nagteleport na. Naiwan akong tulala dito sa kwarto ko.


Akala ko ba hindi na nya mahal si Inaki? Bakit sa isang tawag lang nito ay ang bilis nyang nagpunta dun? Akala ko ba ako na ang mahal nya? Ano ba talagang totoo Shin? Gusto kong maniwala sa mga sinabi mo kanina pero naguguluhan ako.


Wag mo naman sana akong paasahin Shin kasi baka mahulog ako. At baka sa pagkahulog ko na yun ay walang sumalo sa akin kasi hawak mo pa din si Inaki.

He is a Nine Tailed Fox?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon