2 Chronicles 15:7
But as for you, be strong and do not give up, for your work will be rewarded.
*****
AKIRA POV
"hui Akira..sorry na nga kasi.."
Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa canteen..at itong si Shin ay kinukulit ako..hindi ko kasi sya pinapansin dahil sa pang-aasar nya kanina..
Patuloy lang ako sa paglalakad ng biglang hawakan ni Shin ang braso ko kaya napatigil ako..
"sorry na..please..pansinin mo na ako.."
"ewan ko sayo.."
Hinila ko ang braso ko at nag-umpisa na ulit akong maglakad..humabol naman ulit si Shin sa akin..
"ano bang gusto mong gawin ko para hindi ka na magalit sa akin?.."
"ice cream.."
Tipid kong sabi sa kanya habang patuloy pa din ako sa paglalakad at patuloy pa din ang paghabol nya sa akin..
"hah?.."
"ilibre mo akong ice cream..diba may sarili ka nang pera.."
"sus..yun lang pala eh..sige..ibibili kita mamaya.."
Napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya..binigyan ko sya ng matamis na ngiti..pinisil naman nya ang dalawa kong pisngi..
"ikaw hah..kanina gulay..ngayon naman ice cream..iba ka din maglihi eh.."
Hawak pa din nya ang dalawa kong pisngi habang sinasabi yun..sinuntok ko naman ang sikmura nya kaya napabitaw sya agad sa pisngi ko..
"mapanakit ka na talaga hah.."
"sige mang-asar ka pa..babalik ka sa mundo mo ng hindi oras.."
"sus..hindi ka na mabiro..tara na nga..gutom na ako.."
Umakbay sa akin si Shin at naglakad na sya..kaya napasunod na lang ako dahil nga sa nakaakbay sya..first time ata akong inakbayan ni Shin kaya hindi na ako nakareact pa..
Ilang metro na lang ang layo namin sa canteen nung nagkaroon ako ng lakas ng loob para tanggalin ang kamay ni Shin sa balikat ko..hindi na naman sya umalma sa ginawa ko..
"anong gusto mo Akira?.."
Tanong sa akin ni Shin..pinagmasdan ko ang bawat ulam na nakahain sa canteen..pero wala akong magustuhan..
"dun na lang tayo sa rooftop..sasamahan na lang kita dun.."
May baon kasi si Shin na hilaw na carrots at sayote..eh nakakahiya naman kung ipapakita nya sa mga estudyante dito ang way ng pagkain nya..
"eh ikaw?.."
"wala akong gusto sa mga pagkain dito eh..nawalan tuloy ako ng gana..tara na.."
Hinila ko si Shin papunta sa rooftop..kasama din namin ang limang body guards ko na kalahi ni Shin..may kanya kanya din silang baon na gulay..
"sigurado ka ba na hindi ka kakain?..magugutom ka nyan mamaya.."
Sabi sa akin ni Shin..nakaupo silang anim na pabilog..ako naman ay nakatayo lang at nakasandal sa pader..tumango lang ako..isa isa na nilang nilabas ang mga baon nilang gulay..may carrots, sayote, labanos, kalabasa, upo at kung ano ano pa na mga dahon..lahat ng baon nila ay hilaw..
Dati, kapag nakikita ko si Shin na kumakain ng hilaw na gulay, parang bumabaligtad ang sikmura ko..pero ngayon, natutuwa na akong pagmasdan silang kumain ng hilaw na gulay..
At sa sobrang pagkaaliw ko sa panonood sa kanila ay hindi ko na namalayan ang sarili ko na kuhanin ang hawak ni Shin na isang slice ng carrots at walang alinlangan na kinain yun..
Nang maubos ko yung isang slice ay akmang kukuha ulit ako ng isang slice pa kaso napatigil ako..dahil nakatingin sa akin si Shin at ang mga kalahi nya na mga body guards ko..at dun ko lang narealize ang ginawa ko..
O_O
Kumain ako ng gulay?..and take note..HILAW NA GULAY!!..pinakiramdaman ko ang sarili ko kung masusuka ba ako..pero hindi naman..parang ang sarap pa nga nung carrots eh..
"ah..ano..kasi.."
Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanila..nakatingin pa din kasi sila sa akin..at nakaramdam ako bigla ng hiya dahil sa ginawa ko..
"ok lang yan Akira..gutom ka na siguro kaya ka kumain ng carrots..sabi ko naman kasi sayo eh..bumili ka ng pagkain mo.."
Napahawak na lang ako sa noo ko..naramdaman ko naman na tinapik ako ni Shin sa balikat ko..
"tara..sasamahan kitang bumili ng pagkain.."
Hinawakan ni Shin ang kamay ko at hinila na pabalik sa canteen..tiningnan ko ulit ang mga ulam pero wala talaga akong magustuhan..kaya bumili na lang ako ng isang biscuit..napailing na lang sa akin si Shin..bumili din sya ng dalawang tinapay..
Bumalik na ulit kami sa rooftop at saktong katatapos lang kumain nung lima..kinain ko na lang din yung binili kong biscuit..
May natira pang sayote si Shin..at nung makita ko yun ay napalunok na lang ako..para kasing natakam ako bigla dun sa sayote..Oh my!..ano bang nangyayari sa akin?..ganito ba ang epekto kapag may nakakasamang isang lobo ang isang tao?..parang naaadapt ko na ang way ng pagkain ni Shin..
Inalis ko na lang ang tingin ko dun sa sayote at tinuloy na lang ang pagkain ng biscuit..
BINABASA MO ANG
He is a Nine Tailed Fox?!
FantasíaNine Tailed Fox..isang nilalang na mahirap paniwalaan kung totoo nga ba o gawa gawa lang ng mga taong malawak ang imahinasyon..pero paano kung ikaw mismo ay makakilala ng isang nine tailed fox?..anong gagawin mo?..maniniwala ka ba o iisipin mo din n...