CHAPTER 10

4.1K 218 0
                                    

Isaiah 40:29

He gives power to the faint, and to him who has no might he increases strength.




*****

AKIRA POV

"long time no see"

Sabi ko kay Shin..para naman syang natigilan at hindi nakapagsalita..humarap sya sakin na punong puno ng pagtataka..

"alam mo bang inakala ko noon na imagination lang kita..masyado pa akong bata noon..pero totoo ka pala..you really exist"

Nung bata kasi ako, siguro 5 years old lang ako..nakakita ako ng isang fox na may siyam na buntot..nung una natakot ako pero dahil sa curiousity ko ay nilapitan ko ito..naging isang batang lalaki yung fox pero nandun pa rin ang siyam nyang buntot..nginitian ko sya at tinanong kung anong pangalan nya..pero umatras sya palayo sa akin..naging fox ulit sya at tumakbo na..hindi ko sya nahabol dahil sa sobrang bilis nya..at dahil 5 years old lang ako nun, hindi ko alam kung totoo yung nakita ko..

"i-ikaw yung batang nakakita sa akin noon?"

Tumango lang ako..napangiti naman sya sakin..

"hindi ko na pala kailangang magpaliwanag sayo"

Tiningnan ko sya..nakain sya ngayon ng hilaw na sayote..kaya pala gulay lang ang kinakain nya..dahil isa syang nine tailed fox..

"bakit nandito ka?..at saka alam ba nina mommy ang pagkatao mo?"

"h-hindi nila alam..ang alam lang nila, anak ako ng kaibigan nila"

"eh bakit ka nandito?"

"hinahanap ko si Inaki Tanara..nandito sya sa mundo nyo..at kailangan ko syang makumbinsi na bumalik sa mundo namin"

Yung Inaki pala yung napanaginipan nya..

"girlfriend mo?"

"soon to be"

Napatingin ako sa kanya..soon to be..ibig sabihin nililigawan nya..

"teka..Inaki Tanara??"

"oo..bakit?"

Napangiti na lang ako..akalain mong ang isa sa pinakasikat na babae sa Kitsune Academy ay isang nine tailed fox..

"kaklase natin ang hinahanap mo"

"talaga??"

Masayang tanong ni Shin..

"oo..kaso ang alam ko next week pa ang pasok nya.."

Bigla namang lumungkot ang mukha ni Shin..mukang mahal na mahal nya si Inaki..

"si Inaki Tanara ay isa sa mga pinakasikat na babae sa school natin.."

"kaya pala nawili sya sa mundo nyo..at ayaw nang bumalik sa mundo namin..dahil sa sikat sya dito"


Tiningnan ko lang sya..ang weird lang..nung nakita ko yung siyam nyang buntot..hindi man lang ako natakot..parang gumaan pa nga ang loob ko sa kanya..

"hindi ka man lang ba natakot?..kayang kaya kitang saktan ngayon"

Tanong sakin ni Shin habang nakain pa din ng sayote..

"kung may balak kang saktan ako, nung bata pa lamang tayo..sinaktan mo na dapat ako.."

Isa rin siguro yun sa dahilan kung bakit hindi ako natatakot sa kanya ngayon..dahil nung unang beses kaming nagkita..hindi nya ako sinaktan..


"kailangan ko nang makita si Inaki..kailangan ko na syang makausap"

"makakausap mo din sya..and by the way..salamat"


Nakangiti kong sabi sa kanya..medyo nagulat pa nga sya pero ngumiti din..napailing na lang ako..ngayon ko lang kasi narealize..first time ko atang ngumiti sa kanya..

"nag-iimprove ka na..marunong ka nang ngumiti ehh"

Napasimangot naman ako sa sinabi nya..so kailangan talagang pansinin ang pagngiti ko?..tss..

"pero Akira..bakit mo tinatago ang pagkatao mo?"

"ayoko ng special treatment.."..tipid kong sagot..

"kaya tinitiis mo lahat ng pangbubully nila?"

"sanay na ako..mas gusto kong maging totoo sila sakin..at least alam kong ayaw nila sakin..kesa naman sa alam nila ang tunay kong pagkatao..tapos makikipagkaibigan sila sakin..bakit?..dahil sa mayaman ako..tss.."

Napangiti naman sya sakin..lumapit pa ito at ginulo ang buhok ko..

"Shin..ano ba?"

"dahil sa alam mo na ang sikreto ko at alam ko ang sikreto mo..so..magkaibigan na ba tayo?"

"hoy..baka nalilimutan mo..may kasalanan ka pa sakin..anong naisip mo at sinabi mong boyfriend kita?"

Tumawa lang sya..yung as in malakas na tawa..binatukan ko nga..

"aray!..baka gusto mong hampasin kita ng buntot ko"

"baka gusto mong mawalan ng pagkain ng isang linggo"

Napakamot na lang sya ng ulo..ang cute ^.^ este parang bata -_-

"hayaan mo na lang..malay mo tigilan ka nila dahil may bf kang gwapo"

"eh paano mo ipapaliwanag yan kay Inaki?"

Natigilan sya saglit..bago nagsalita ulit..

"maiintindihan nya yun..mabait si Inaki"

Mahal nya talaga si Inaki..paano kaya pag nalaman nyang si Inaki ay isa sa mga babaeng patay na patay kay Miro..hayyy..


He is a Nine Tailed Fox?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon