Hebrews 4:12
For the word of God is alive and active. Sharper than any double-edged sword, it penetrates even to dividing soul and spirit, joints and marrow; it judges the thoughts and attitudes of the heart.
*****
Sinong #teamMiro?...para sa inyo ang chapter na ito ^_^ ..salamat guys!!
God bless!!
----nnaeillek
*****
AKIRA POV
"Akira.."
Napatingin ako kay Miro na tumabi sa akin..vacant kasi ngayon at si Shin ay nasa labas..may inaasikaso lang daw..tapos yung limang body guard ay nandun lang sa may pinto ng classroom..dalawang araw na ang nakalipas nung makakita ako ng lalaking kulay pula ang mga mata..mula noon, napansin ko na mas naging mahigpit ang pagbabantay sa akin ng mga body guard na ipinagtaka ko naman..
At tungkol naman sa nakita ko, I guess guni-guni ko lang talaga yun..pero ewan ko ba..pakiramdam ko totoo yung nakita ko eh..
"I know hindi maganda ang naging simula natin.."
Naputol ang pag-iisip ko ng magsalita ulit si Miro..katabi ko nga pala sya at kinakausap ako..tiningnan ko lang sya..inilahad naman nya ang kanan nyang kamay sa harap ko..
"Miro Mendez nga pala.."
Nakangiti nyang sabi sa akin habang nakalahad pa din ang mga kamay nya..ano na naman bang trip nya?..
"hindi maganda ang pagkakakilala natin sa isa't-isa..kaya I was trying to introduce myself to you..Akira..gusto kong makilala kita..at gusto ko ding patunayan sayo na hindi na ako ang Miro na laging nangbubully sayo.."
"ginagawa mo ba to dahil alam mo na ang tunay kong pagkatao?.."
"what?..no..ginagawa ko ito because I want you..that's it.."
Tumingin ako ng deretso sa mga mata nya pero agad akong umiwas..hindi ko alam kung dapat ko ba syang paniwalaan..baka kasi part lang ito ng pangttrip nya..
"give me a chance Akira..please.."
Naguguluhan ako..dapat ko bang tanggapin ang friendship na inaalok nya sa akin?..ayokong ibigay ang tiwala ko sa kanya..ayokong maniwala na nagbago na nga sya, na sincere sya sa mga sinasabi nya..
Akira..give him a chance..he is sincere..
Biglang nagsalita sa isip ko si Shin..nakatayo sya sa labas ng classroom at nakatingin sa aming dalawa ni Miro..seryoso ang mukha nya..
You think so?
Yes..it's time to have friends Akira..
Tumingin ulit ako kay Miro..nakatingin sya sa akin na parang hinihintay akong magsalita ulit..inilahad ko ang kamay ko sa kanya..
"Akira Montenegro.."
Ngumiti sya at hinawakan ang kamay ko at nakipagshake hands..parang namula pa nga ang tenga nya eh..
"salamat Akira.."
"just don't break my trust..if you do, i will surely break your face.."
Napatawa sya sa sinabi ko..
"hindi ko sasayangin ang chance at trust na binigay mo sa akin..thank you so much.."
Nginitian ko na lang sya..sana nga hindi ko pagsisihan ang desisyon ko..dahil once na malaman kong trip lang ito..hindi ko alam kung anong magagawa ko kay Miro..
Lumapit na sa amin si Shin kaya tumayo na si Miro..kinamayan pa nga ni Miro si Shin tapos nginitian nya ako bago bumalik sa upuan nya..si Shin naman ay umupo na din sa upuan nya at umub-ob sa desk nya..
Kapag trip lang ito ni Miro..ikaw ang sisisihin ko..
Pagbibiro ko kay Shin..nakaub-ob pa din kasi sya kaya sa isip ko na lang sya kinausap..
Nakikipagkaibigan yung tao..hindi masama ang bigyan sya ng pagkakataon..
Seryoso nyang sabi sa akin..
Ok na ako sa isang kaibigan eh..ok na ako sayo Shin..
Seryoso ko ding sabi sa kanya..masaya na ako na may isa akong kaibigan..kaya nagdalawang isip pa ako nung lumapit sa akin si Miro..ang hirap kasing magtiwala..lalo na at may hindi magandang nakaraan sa amin..
Pero konting panahon na lang ang ilalagi ko sa mundo nyo..alam mo yan..
Hindi na ako nakaimik sa kanya..tama sya..konting panahon na lang at babalik na sya mundo nya..iiwan na nya ako..mawawalan na ako ng kaisa isang kaibigan..kaya siguro sinabi nyang panahon na para magkaroon ako ng ibang kaibigan..dahil malapit na syang umalis..
Nakakalungkot..paano kapag dumating na ang panahon kailangan na nyang umalis?..paano na ako?..nasanay na kasi ako sa presensya nya eh..nasanay na ako na lagi syang kasama..
BINABASA MO ANG
He is a Nine Tailed Fox?!
FantasyNine Tailed Fox..isang nilalang na mahirap paniwalaan kung totoo nga ba o gawa gawa lang ng mga taong malawak ang imahinasyon..pero paano kung ikaw mismo ay makakilala ng isang nine tailed fox?..anong gagawin mo?..maniniwala ka ba o iisipin mo din n...
