Psalm 37:7
Be still before the Lord and wait patiently for him; do not fret when people succeed in their ways, when they carry out their wicked schemes.
MIRO POV
"prince Miro..hindi namin makita si Akira"
Napakuyom ako ng palad ko..inaabangan ko sya sa canteen kanina pero hindi sya dumating doon..maski ang "boyfriend" nya ay wala din..inutusan ko lahat ng babae kong kaklase para hanapin si Akira at pahirapan..pero hindi nila ito makita sa buong campus..
"chillax pare..masyado mo na atang sineseryoso ang pangttrip kay Akira.."
"may boyfriend na sya..may tagapagtanggol na sya pare"
"will you shut up..eh kung tumulong na lang kayo sa paghahanap"
Singhal ko dun kina Richard at Leo..
"ikaw lang ang may gustong pagtripan si Akira..ikaw ang maghanap"
Sabi sakin ni Richard..napatango naman si Leo..bumalik sila sa mga upuan nila..arghhh..nasaan na ba yung magsyota na yun..malapit nang matapos ang lunch break pero wala pa sila..knowing Akira..30 minutes before 1pm ay nandito na yun sa classroom..pero ngayon, 10 minutes na lang before 1pm pero wala pa sya..at mukang kasama pa nya ang bf nya..umub-ob na lang ako sa desk ko..marami pang araw para pagtripan ang babaeng yun..
KANJI SHIN POV
Tahimik lang ako habang nakasakay sa sasakyang ito..hindi na ko nagtataka kung may kumuha man sa amin na mga lalaki ngayon..nasabi sakin ni Tita na madaming nagtatangkang dumukot sa anak nya na si Akira dahil mayaman sila..tss..
Ilang saglit pa ay tumigil na ang sasakyan..sapilitan kaming ibinaba ng apat na lalaki..napa-aray pa nga si Akira dahil sa biglang paghaltak sa kanya..sh*t..humanda kayo sakin mamaya..
Ipinasok kami sa isang lumang bodega at itinali sa upuan..napatingin ako kay Akira..nanginginig na sya sa takot at lumuluha na rin..kailangan ko na bang lumaban?..pero makikita ni Akira ang tunay kong pagkatao..
"ang sabi ko sa inyo..yung babae lang ang kuhanin nyo!!"
Sabi nung lalaki na medyo maedad na..
"eh boss..kasama sya nung babae eh..kaya sinama na namin.."
"bantayan nyong mabuti yan"
Sabi nung lalaki at umalis na..naiwan ang limang lalaki para daw bantayan kami..
"pare..batang bata pa yung babae"
"sabihin natin kay boss..baka pwedeng maglibang muna tayo habang nagbabantay dito"
Napakuyom ako..at lalo akong nanggalaiti nung lumapit yung isang lalaki kay Akira..pinagmasdan nya ang takot na takot na si Akira..at yung tingin nito, hindi ko nagustuhan..hindi ko na kaya pang magtimpi..
Huminga ako ng malalim at lumabas ang siyam kong buntot..nagulat sila pati si Akira..nakita kong bubunot ng baril ang isang lalaki kaya hinampas ko sya ng ikatlong buntot ko..tumalsik sya at tumama sa pader kaya nawalan agad ito ng malay..sumugod ang apat pang lalaki kaya hinampas ko din sila ng buntot ko..nawalan din sila ng malay..agad kong itinago ang siyam kong buntot at lumapit kay Akira..
"i-ikaw?!"
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Akira..kinalagan ko sya tali..nilabas ko ang ikalima kong buntot at kumuha ng limang balahibo..nilagay ko ito sa mga ulo ng limang walang malay na lalaki..para sa paggising nila, hindi nila maaalala ang mga nangyari..
Muli akong lumapit kay Akira..tiningnan ko sya sa mata..walang takot ang mababakas sa kanya kundi pagkabigla at pagtataka..niyakap ko sya at pinalibutan kami ng siyam kong buntot..at sa isang kisap mata ay nandito na kami sa unit nya..
Agad akong humiwalay kay Akira at naglakad papunta sa may kusina..hindi ko alam kung anong paliwanag ang sasabihin sa kanya..
"long time no see"
Natigilan ako sa sinabing yun ni Akira..anong ibig nyang sabihin dun??..
BINABASA MO ANG
He is a Nine Tailed Fox?!
FantasyNine Tailed Fox..isang nilalang na mahirap paniwalaan kung totoo nga ba o gawa gawa lang ng mga taong malawak ang imahinasyon..pero paano kung ikaw mismo ay makakilala ng isang nine tailed fox?..anong gagawin mo?..maniniwala ka ba o iisipin mo din n...
