Proverbs 11:28
Whoever trusts in his riches will fall, but the righteous will thrive like a green leaf.
*****
KANJI SHIN POV
"Sa ibang lugar tayo mag-usap, wag dito."
Tumango sa akin si Inaki at lumabas na kami ng canteen. Sa may bandang likod ng building kami nagpunta para walang makarinig ng kung ano mang pag-uusapan namin.
"Kanji, nararamdaman ko na ang masamang dulot ng pananatili ko dito sa mundo. Unti unti na akong nanghihina."
Napatingin ako kay Inaki. Namumutla na sya at kitang kita nga sa kanya ang panghihina nya. Tinanggalan ko nga din pala sya ng ikasiyam na buntot na lalong ikinahina nya.
"Kaya gusto mo nang bumalik sa mundo natin upang manumbalik ang lakas mo? Pagkatapos nun, tatalikuran mo ulit ang mundo natin?"
Napatungo si Inaki at nag-umpisa nang tumulo ang mga luha nya.
"Alam kong napakalaki ng kasalanan ko sa mundo at mga kalahi natin, pero masisisi mo ba ako? Nagmahal lang ako Kanji. Pero ang masaklap nun, hindi ako kayang mahalin ng taong mahal ko."
"Ngayon alam mo na ang kung anong nararamdaman ko, ang mahalin ang isang tao o lobo na hindi ka kayang mahalin?"
"Kanji."
"Sa isang buwan tayo babalik sa mundo natin."
"Sige Kanji, pero sana may sapat na lakas pa ako hanggang sa itinakdang araw ng pagbabalik natin."
Ngumiti sa akin si Inaki pagkatapos ay umalis na sya. Napabuntung hininga na lang ako.
Umalis na din ako sa lugar na iyon at pinuntahan si Akira sa library pero pagdating ko ay wala sya doon.
Akira, nasaan ka? Pinuntahan kita sa lib pero wala ka naman dun.
Hindi ako sinagot ni Akira kaya pumunta na lang ako sa classroom namin. Wala pa sya doon pero ang lima kong kalahi ay nakaupo sa may labas ng room.
"Nasaan si Akira?"
"Kasama nya si Miro, may pupuntahan daw sila."
Saktong kasasabi lang nun ni Louie ay dumating na si Akira at kasama nya si Miro.
"Saan kayo galing?"
Tanong ko sa kanila pero kay Akira lang ako nakatingin. Nakatungo lang sya at hindi man lang ako tiningnan.
"Nagpahangin lang kami pare."
Si Miro na ang sumagot ng tanong ko. Pumasok na silang dalawa sa room.
"Diba sabi ko sa inyo, samahan nyo si Akira?"
Baling ko doon sa limang kalahi ko.
"Kasama naman nya yung Miro. At saka saglit lang naman silang nawala."
Nakangiting sabi ni Louie. Napapikit na lang ako para pigilin ang inis ko.
"Kahit na. Alam nyo namang anumang oras ay kayang kayang umatake ng mga itim na lobo. Paano kung may nangyaring masama sa kanya?"
Ngumisi lang sa akin si Louie na lalo kong ikinainis.
"Ok lang yan bro. Nag-usap lang naman sila. Wala kang dapat ikabahala."
"Ewan ko sa inyo."
Tinalikuran ko na sina Louie at pumasok na lang din ako sa loob ng classroom. Naabutan ko pang nag-uusap sina Akira at Miro. Tss. Nag-usap na sila kanina diba? Bakit magkausap pa din sila hanggang ngayon?
Umupo na lang ako sa upuan ko at umub-ob sa desk ko.
"Akira, anong height mo?"
Rinig kong tanong ni Miro kay Akira. Parang naguluhan naman bigla si Akira dahil hindi agad ito nakasagot.
"hah?"
"Gagawa kasi ako ng medyas na kasya ka, para hindi na mahirapan si Santa na ilagay ka sa medyas ko. Ikaw kasi ang wish ko sa kanya sa pasko."
"ha-ha-ha. Tatlong tawa para sayo Miro."
Sagot naman ni Akira. Tss. Kailangan pa ba talagang iparinig sa akin ang mga harutan nila? Nakakarindi -_-
"Akira"
Muling tawag ni Miro.
"ano?"
"Ano ngang height mo?"
"Miro?!"
"Paano ka nagkasya sa puso ko?"
Hindi ko na talaga kaya. Tumayo ako at lumabas ng room. Dito na lang muna ako sa labas habang wala pa ang teacher. Mukang wala pa ding balak tumigil sa paghaharutan yung dalawa. Tss.
*****
Natatawa ako kay Miro, ang corny..hahaha..^_^ salamat guys!
God bless!
----nnaeillek
BINABASA MO ANG
He is a Nine Tailed Fox?!
FantasíaNine Tailed Fox..isang nilalang na mahirap paniwalaan kung totoo nga ba o gawa gawa lang ng mga taong malawak ang imahinasyon..pero paano kung ikaw mismo ay makakilala ng isang nine tailed fox?..anong gagawin mo?..maniniwala ka ba o iisipin mo din n...