Lamentations 3:25-26
25The LORD is good to those whose hope is in him, to the one who seeks him; 26it is good to wait quietly for the salvation of the LORD.
*****
Thank you guys ^_^
God Bless!!
----nnaeillek
*****
AKIRA POV
After naming mamili ay dumeretso na agad kami sa unit ko..umupo ako sa sofa habang si Shin naman ay nilalagay ang mga pinamili namin sa ref..nakaramdam ako bigla ng gutom..alas dose na pala tapos hindi pa ako nakain ng almusal..kaya tumayo ako at pumunta sa kusina..halos katatapos lang ni Shin sa ginagawa nya kanina at kumakain na ng carrots..
"ano ka ba talaga?..lobo o kuneho?."
Natatawa kong sabi..naiimagine ko kasi si Shin na may dalawang malaking tenga at ngipin sa unahan..tapos may mga whiskers..
"namumula ka na sa pagpipigil ng tawa.."
Puna ni Shin na nakakunot ang noo..huminga muna ako ng malalim bago nagsalita ulit..
"naiimagine ko kasi kung anong itsura mo kapag naging kuneho ka"
Nakangisi kong sabi..lalong kumunot ang noo nya na ikinatawa ko ng malakas..hahahaha..
Kaso napatigil ako sa pagtawa nang hawakan nya ang dalawa kong kamay at isinandal nya ako sa pader..
"S-shin"
Hawak pa din nya ang dalawa kong kamay at ang lapit lapit ng mukha nya sa mukha ko..
"sa lahat naman ng hayop na pwede mong ipang-asar sa akin..kuneho pa talaga?"
"b-bakit?..ayaw mo ba sa kuneho?.."
Sabi ko sa kanya habang pinag-iisipan ko kung paano ko maitutulak si Shin palayo sa akin..pero nakahinga naman ako ng maluwag nung binitawan na nya ang kamay ko at lumayo sa akin..
"ipasyal mo na lang ako sa sinasabi mong sosyal na mall.."
Napataas naman ang kilay ko sa sinabing iyon ni Shin..
"hindi pwede..baka may makakita sa akin na kaklase o schoolmate natin.."
"so?..ikaw lang naman ang mahirap sa ating dalawa.."
Nakangisi nyang sabi sa akin..
"hiyang hiya naman ako sayo..samantalang ako ang gumagastos sa pagkain mo..ang yaman mo eh noh?..ang swerte ko dahil ang yaman ng boyfriend ko.."
Sarkastiko kong sabi..pero sa halip na maasar ay tumawa pa sya ng malakas..
"naks!..tanggap mo nang boyfriend mo ako..nakakakilig!"
Napairap na lang ako..parang kanina lang ako ang nang-aasar tapos bigla na lang nabaligtad ang lahat..
"wag masyadong kaisipin ang sinabi ko..lalo kang namumula eh"
Tinalikuran ko na lang sya at naglakad papunta sa kwarto ko..kainis..bakit ba ako napipikon sa mga asar nya?..arghhh..
Akmang bubuksan ko na ang pinto ng kwarto ko kaso bigla akong hinila ni Shin..
"Shin..ano ba?"
Isinakbit ni Shin ang sling bag ko at hinila ulit ako palabas ng unit ko..wala na akong nagawa hanggang sa makarating kami sa kotse ko..
"you will ruin my weekend..i swear.."
Pairap kong sabi habang sumasakay sa kotse ko..sumakay din sya na tatawa tawa pa..
"what kind of weekend?..yung magkukulong sa kwarto at maghapong magbabasa ng libro?.."
Hindi na lang ako umimik at nagstart na lang akong magdrive..pagkarating namin sa "sosyal" na mall ay hinila nya ulit ako papasok doon..tss..masyadong excited..
"hindi ka pa nakain diba?"
Tanong nya sa akin nang mapatigil kami sa isang restaurant..restaurant na pagmamay-ari ng pamilya ko..hinila nya ulit ako papasok sa restaurant at naghanap ng bakanteng table..nung makaupo kami ay may lumapit na waiter para ibigay ang menu at kuhanin ang order namin..
"niluluto pala ang gulay dito sa mundo nyo?.."
Pabulong na sabi sa akin ni Shin..tumango lang ako..
"ah kuya..isang roasted chicken, isang mixed veg, dalawang chocolate cake at dalawang coffee shake"
"right away ma'am..ah anong pangalan po nila?"
"Akira Montenegro"
Natigilan yung waiter nang marinig ang pangalan ko..shocks..nasabi ko ang tunay kong pangalan..
"naku ma'am..kayo po pala yan..sige po..iseserve ko po ang order nyo..asap.."
Yumuko pa yung waiter bago umalis..napahawak na lang ako sa noo ko..ito ang ayoko eh..binibigyan ako ng special treatment..
"what does that mean?"
Naguguluhang tanong ni Shin..hindi nga pala nya alam..
"kami ang may-ari ng restaurant na ito"
"kaya pala.."
"Shin"
Mahinang tawag ko kay Shin..nakita ko kasi sina Miro at Inaki na katatapos lang kumain at naglalakad na papalapit sa amin..
"first date as a couple?"
BINABASA MO ANG
He is a Nine Tailed Fox?!
FantasyNine Tailed Fox..isang nilalang na mahirap paniwalaan kung totoo nga ba o gawa gawa lang ng mga taong malawak ang imahinasyon..pero paano kung ikaw mismo ay makakilala ng isang nine tailed fox?..anong gagawin mo?..maniniwala ka ba o iisipin mo din n...
