CHAPTER 11

4.1K 217 2
                                        

Colossians 3:23

Whatever you do, work at it with all your heart, as working for the Lord, not for the men.




*****

AKIRA POV

"hindi na tayo nakabalik ng school.."

Sabi ni Shin habang kumakain ng carrots..dahil nga sa pagkidnap sa amin, hindi na kami nakapasok nung hapon..panigurado, usap usapan kami sa school ngayon..

"nakausap ko na si Tito June..sinabi ko yung nangyari sa atin.."

Si Tito June ang principal ng Kitsune Academy..magkaibigan sila ni Daddy mula nung highschool pa sila..alam ni Tito ang lahat ng pambubully na ginagawa sa akin ng mga estudyante..pinagsabihan ko lang sya na wag magsusumbong sa mga magulang ko..at ilihim din nya sa school ang totoong pagkatao ko..mabuti na nga lang at napakausapan ko sya eh..

"Shin.."

"bakit ba Shin ang tawag mo sa akin?"

"mas gusto ko ang Shin kesa sa Kanji"

"tss"

"Shin"

"what?!"

"mahal na mahal mo talaga si Inaki noh?"

Natigilan sya sa tanong ko..

"bakit mo natanong?"

"kasi nagawa mong iwanan ang mundo mo para sa kanya..kahit na wala kang masyadong alam sa mundo namin, hindi mo yun ininda..kasi ang mahalaga sayo ay ang babaeng mahal mo"

"it's a Nine Tailed Fox Love Code..kung mahal mo ang isang nine tailed fox, gagawin mo ang lahat para sa kanya"

"ang sarap siguro mahalin ang isang katulad mo"

Napatingin sya sakin na nagtataka..at dun ko lang narealize ang nasabi ko O_O

"I mean..yung lahi nyo..masarap mahalin..kasi ano..yun nga..dahil sa love code nyo.."

Shemay naman oh..bakit ba ang daldal ko kapag sya na ang kausap ko?..kung ano ano na tuloy ang nasasabi ko..tumawa sya at pinagpatuloy na ang pagkain nya ng carrots..

"I guess it was a Universal Love Code..kahit sino naman ata..kapag mahal mo, gagawin mo ang lahat para sa kanya"

"hindi lahat Shin..may mga tao kasi na kahit mahal nila ang isang tao..hindi nila mapanindigan..at sa huli, iiwan pa din nila kahit gaano ka pa nila kamahal"

"naranasan mo na?"

"hindi,..nabasa ko lang sa mga libro.."

"parang damang dama mo eh"

Inirapan ko lang sya..nag-uumpisa na naman kasi syang mang-asar..


"hindi ka pa ba naiinlove?"

"waste of time"

"waste of time?..so ibig sabihin pag-aaksaya ng panahon ang pagpunta ko dito para kay Inaki"

Hindi ako nakaimik..napansin ko kasi yung lungkot ni Shin nung sinabi nya yun..mali ata ang sagot ko..

"that's not what i mean"

"alam mo bang three months from now, kailangan kong bumalik sa mundo namin..para maging isang celestial fox"

"celestial fox?..ano yun?"

"ang mga celestial fox ang sunod na pinakamataas sa mundo namin..kasunod sila ng hari at reyna"

"parang bise presidente..ganun?"

"oo..lahat ng mga nine tailed fox, yun ang pangarap..bata pa lang ako, pangarap ko na yun.."

"paano kapag hindi mo nakumbinsi si Inaki sa loob ng tatlong buwan?..babalik ka ba sa mundo mo ng hindi sya kasama?"

Napatingin sya sakin..at nakita ko sa mga mata nya ang sobrang sakit na nararamdaman nya ngayon..

"sorry"

Naguilty akong bigla..napapansin ko talaga..ang daldal ko kapag si Shin ang kausap ko..

"napag-isipan ko na yan..pero sana wag dumating sa puntong yun..dahil hindi ko alam kung anong pipiliin ko"

"ang swerte ni Inaki..dahil may isang ikaw ang labis syang mahal"

"sana makita nya yan katulad mo"

Hindi na ako nagsalita pa..masyado nang nagiging madrama ang usapan namin..hindi ako sanay..


"yung si Miro..may gusto ba sayo yun?"

"nagpapatawa ka ba?..nakita mo naman siguro kung paano nya ako binully kanina diba.."

"sinaktan ka ba nya?"

"hah?"

"napansin ko kasi na hindi sya ang nananakit sayo..inuutos nya lang yun sa mga kaklase natin..kaya tinanong ko kung sinaktan ka na ba nya.."

Napaisip naman ako..oo nga noh..kapag may namamaltok sa akin or nadidisgrasya ako, hindi si Miro ang may gawa..lagi nya lang yun inuutos sa kung sino man..never nya ako nasaktan ng pisikal na sya talaga ang gumawa..

"playing safe kasi sya..para in case na mahuli ng mga teacher..hindi sya ang mapapagalitan kasi hindi sya ang gumawa"

"sa tingin mo Akira..yun talaga ang dahilan?"

Nagkibit balikat na lang ako..ayokong isipin si Miro..problema na nga sya sa school, pati ba naman sa pag-uwi ko sa dorm sya pa din ang poproblemahin ko..tss..




*****

BhabyMichGurl  -- hello po ^_^ ..thank you! :D



----nnaeillek


He is a Nine Tailed Fox?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon