Psalm 34:8
Taste and see that the LORD is good; blessed is the man who takes refuge in him.
*****
Huli man daw at magaling, naihahabol din..hahaha..sorry guys!..nalate ang UD ko ^_^ ..ito na sya..enjoy!! :D
Thank you and God bless!!
----nnaeillek
*****
AKIRA POV
"Shin..dadaan ako sa condo unit ko..mauna na lang kayo sa mansion.."
"sasama ako sayo..let's go"
Hinila ako ni Shin papasok sa kotse..hindi na lang ako umimik at hinayaan na lang sya..kanina pa kasi sya masungit..akala mo eh may buwanang dalaw..kanina pa din nya ako hindi pinapansin..sa pagkakaalala ko naman, wala akong ginawa na pwedeng ikagalit nya..sinunod ko pa nga ang utos nya na makipag usap ako kay Miro..and speaking of Miro, gusto nya akong ihatid kaso sabi ko wag na lang dahil may lima akong body guard na laging nakabuntot sa akin saan man ako magpunta..buti na lang at hindi na sya nagpumilit pa..gumagaan na din ang pakiramdam ko sa kanya..mabait naman pala sya though may pagkamayabang talaga..mahilig din syang magbiro and infairness natatawa ako sa mga jokes nya..hindi din sya nauubusan ng kwento..nakakatuwa lang dahil may ganung side si Miro..
"you're smiling for no definite reason..tss.."
Napatingin ako kay Shin nung bigla syang magsalita..napapangiti na pala ako..
"I bet si Miro ang nasa isip mo.."
Napangiti na lang ako..
"well..masaya pala naman syang kausap.."
"okay.."
Sumandal sya sa upuan at tumingin sa bintana ng kotse..anong problema ng taong ito??..hindi na lang ako umimik at tinuon ko na lang din ang atensyon ko sa may bintana..
Tahimik lang kami pareho hanggang sa makarating kami sa may condo..sinabi ko sa limang body guard na hintayin na lang ako sa may kotse dahil saglit lang ako sa condo..kukunin ko lang kasi yung ilang gamit ko na naiwan..pumayag naman sila dahil sinang-ayunan ako ni Shin..pero sasama pala sya pagpasok sa condo..tss..
Pagkabukas ko ng condo unit ko ay natigilan ako..nabitawan ko din ang bag ko at napahawak na lang sa bibig ko..
"Aki---"
Bigla akong hinatak ni Shin palayo sa may pintuan ng condo ko..tapos humawak sya sa noo nya na parang may kinokontak na hindi ko maintindihan..
Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko..at nanginginig na din ang buo kong katawan..kasi naman..yung loob ng condo unit ko..gulo gulo ang loob nito na akala mo eh may nakapasok na magnanakaw..napakaimposible naman kasi na may makapasok na iba sa condo ko..kaya ganun na lang siguro ang takot na naramdaman ko..
"S-shin..paano?.."
Naiiyak na ako sa sobrang kaba na nararamdaman ko..niyakap naman ako ni Shin para pakalmahin ako..ilang saglit pa ay dumating ang lima kong body guards at pumasok sa condo ko..nagtaka naman ako sa bigla nilang pag-akyat dito..parang alam nila kung ano ang nangyari..ilang saglit lang ay lumabas na ulit sila..
"ano bang kukuhanin mo sa loob..ako na ang kukuha.."
"h-hindi..ako na.."
"sigurado ka?.."
Tumango lang ako bilang sagot sa tanong nya..
"samahan na kita.."
Sabay kaming pumasok sa condo unit ko..napakagulo pa din ng paligid..nagkalat ang mga gamit sa salas at kusina..nagderetso ako sa kwarto ko..nagkalat ang mga naiwan kong damit sa sahig..pati yung mga unan at teddy bear ko ay nasa sahig na lahat..napabuntung hininga na lang ako..first time atang nangyari sa akin ang ganito..
Lumapit ako sa cabinet ko at iniipod ito palayo sa may pader..kinuha ko ang kwintas ko na nakatago doon at nilagay ito sa bulsa ng pantalon ko..buti na lang hindi ito nakuha ng mga magnanakaw..ito kasing kwintas na ito ay bigay pa sa akin ni daddy nung bata pa ako..sabi ni daddy, ingatan ko daw ito..almost 10 years ko din itong suot..kasi nung nag 15 na ako, pinatago na lang sa akin nina mommy at daddy sa hindi ko malamang dahilan..sinunod ko na lang sila at itinago ito..hindi ko rin alam kung bakit sa likod ng cabinet ko ito itinago pero effective naman..kasi hindi sya nakuha ng mga magnanakaw..
"Akira.."
Napalingon ako sa may pintuan ng kwarto ko..nakatayo doon si Shin..
"bakit?.."
"nakuha mo na ba ang dapat mong kuhanin?..let's go.."
"sige.."
"hintayin na lang kita sa may salas.."
Lumabas na sya ng kwarto ko..ako naman ay kinuha ang mga teddy bear ko..tatlo lang ang kinuha ko..babalikan ko na lang siguro yung iba..paglabas ko ng kwarto ay nakaupo si Shin sa may sofa..nung makita nya ako ay tumayo na sya at naglakad na palabas ng condo..ako naman ay napatingin sa may veranda..at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko..nanlamig din bigla ang katawan ko at nanlambot ang mga tuhod ko..ngumisi sa akin yung lalaking kulay pula ang mata na nakatayo sa may veranda..
"SHIN!!!!"
Sumigaw ako ng sobrang lakas kaya ganun na lang ang kabilis na pagresponde ni Shin at ng limang body guard ko..nakita din nila ang lalaking kulay pula ang mga mata na nakangisi pa din sa amin..
Hindi ko na alam ang sumunod na mga nangyari dahil nawalan na ako ng malay..
![](https://img.wattpad.com/cover/48242487-288-k623160.jpg)
BINABASA MO ANG
He is a Nine Tailed Fox?!
FantasíaNine Tailed Fox..isang nilalang na mahirap paniwalaan kung totoo nga ba o gawa gawa lang ng mga taong malawak ang imahinasyon..pero paano kung ikaw mismo ay makakilala ng isang nine tailed fox?..anong gagawin mo?..maniniwala ka ba o iisipin mo din n...