CHAPTER 60

2.8K 128 6
                                    

Romans 10:13

for, "Everyone who calls on the name of the Lord will be saved."




*****

AKIRA POV


"Akira"


Narinig kong tinawag ako ni Shin. Nandito pa din kasi ako sa kwarto ko. Nung marinig kong binuksan nya ang pinto ng kwarto ko ay nagtalukbong ulit ako ng kumot.


"Akira, tara nang kumain."


Sabi pa nya sa akin nang makaupo sya sa may kama ko.


"Ikaw na lang ang kumain. Busog pa ako."


Yun na lang ang sinabi ko sa kanya habang nakatalukbong pa din. Narinig ko naman syang bumuntong hininga pagkatapos ay pwersahan nyang hinablot ang kumot ko.


"Shin!"


Napabangon na lang ako dahil nga dun sa ginawa nya.


"Sinabi ko lang na mahal kita, hindi ko sinabing iwasan mo ako."


Dug dug.

Dug dug.

Dug dug.


Hindi na ako nakapagsalita dahil hinigit na nya ako papunta sa kusina.


Napahawak na lang ulit ako sa dibdib ko habang hila hila pa din ako ni Shin. Mahigpit nyang hawak ang kamay ko kaya hindi na ako nakapagreact pa.


Nang makarating kami sa kusina ay nakahanda na ang pagkain. Ginisang gulay para sa kanya at pritong manok naman para sa akin pero parang wala akong ganang kumain. Pinagsandok pa ako ni Shin ng kanin at ulam. Tiningnan ko lang yung pagkain ko. Wala talaga akong gana.


"Ang pagkain kinakain yan, hindi tinitingnan lang."


Napatingin ako sa kanya kaso nakatingin din pala sya sa akin kaya napaiwas agad ako.


"Sorry sa nasabi ko kanina. Akira, ayoko ng ganito. Ayokong iniiwasan mo ako. Hindi ko naman sinabi na mahalin mo din ako. Kaya please lang, wag mo akong iwasan."


Seryoso nyang sabi sa akin. Parang naguilty naman ako bigla. Pero hindi ko naman sya iniiwasan eh.


"T-totoo ba talaga yung sinabi mo kanina? Baka tinitrip mo lang ako."


Napangiti si Shin. Napairap na lang ako. Sabi ko na nga ba eh, trip lang yun ni Shin.




"Mahal kita at seryoso ako."


O_O

He is a Nine Tailed Fox?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon