Proverbs 28:13
He who conceals his sins does not prosper, but whoever confesses and renounces them finds mercy.
*****
AKIRA POV
"Akira..anong gusto mo?.."
Sabay na sabi nina Shin at Miro..lunch kasi ngayon at itong si Miro ay sumabay sa amin ni Shin..palipat lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa..
"ako na ang oorder.."
Sabay ulit nilang sabi..kaya tumayo na lang ako..
"kanya kanya na lang tayong order.."
Sabi ko sa kanila at naglakad na ako papunta sa may counter para umorder..sumunod naman agad sila sa akin at umorder din ng kanilang pagkain..pareho pa nga sila ng inorder eh..tig isang chopsuey at kanin..
Pagkatapos naming umorder ay bumalik na kami sa table..
"tubig.."
Sabay na sabi nung dalawa habang inaabot nila sa akin ang mineral water na hawak nila..
"m-may tubig ako.."
Pinakita ko sa kanila ang mineral water ko..buti na lang at nakabili ako kanina..pinagpapawisan na ako sa dalawang ito..
"panyo oh!.."
Sabay na naman nilang sabi..ano ba naman tong dalawang ito..kailangan bang lagi silang sabay magsalita..
"ok lang ako..salamat.."
Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko kahit na naconcious ako bigla dahil sa dalawang kasama ko..
Pagkatapos naming kumain ay nagpasya akong tumambay na lang sa classroom..at itong dalawang ito ay tatambay na lang din daw..kaya ang nangyari eh nasa kanan ko si Shin at nasa kaliwa ko si Miro habang naglalakad kami pabalik sa room..yung limang body guards naman ay nasa likod namin..pinagtitinginan na kami ng mga kapwa namin estudyante kaya nakatungo lang ako habang naglalakad..siguro kung hindi pa nila alam ang tunay kong pagkatao, baka kung ano ano na ang nasabi nila sa akin..o baka may lumilipad na sana sa akin na kung ano ano..
Pagkarating namin sa classroom ay tumabi sa akin yung dalawa..sa kanan ko ulit si Shin at sa kaliwa ko si Miro..pakiramdam ko ay parang naiipit ako sa dalawang nag-uumpugang bato..tss..
Tahimik mo ata..
Sabi sa akin ni Shin sa isipan ko..
Tss..tahimik naman talaga ako ah..
BINABASA MO ANG
He is a Nine Tailed Fox?!
FantasyNine Tailed Fox..isang nilalang na mahirap paniwalaan kung totoo nga ba o gawa gawa lang ng mga taong malawak ang imahinasyon..pero paano kung ikaw mismo ay makakilala ng isang nine tailed fox?..anong gagawin mo?..maniniwala ka ba o iisipin mo din n...