CHAPTER 67

2.9K 152 17
                                    

John 14:6

No one comes to the Father except through Me.




AKIRA POV


"Akira!!"


Sabay kaming napalingon sa itim na lobo na tumawag sa akin. Napatutop na lang ako sa bibig ko dahil sa nakita ko. Bihag na ng mga itim na lobo sina Louie. Kitang kita sa mga mata nila ang labis na panghihina. Nasa loob ng itim na shield ang sampung naging body guard ko na kalahi ni Shin.


Agad namang naging alerto si Shin dahil nilagay nya ako sa likod nya.


"Akira, sa tingin mo ba matatalo kami ni Kanji? Sampu kami at nag-iisa na lang sya. At sa tingin mo ba ay tatagal pa ang buhay ng sampung ito?"


Nakita kong napakuyom ng kamay si Shin. Susugod na sana sya sa mga itim na lobo pero agad ko syang pinigilan. Tumingin sya sa akin at nakita ko sa mga mata nya ang halo halong emosyon. Galit, pag-aalala, pagkalito at pagkalungkot.


"Ano bang kailangan nyo?"


Malakas kong tanong na ikinatawa nila. Tiningnan ulit ako ni Shin at hinawakan nya ang mga kamay ko.


"Alam mong ikaw ang sadya namin dito Akira."


Sobrang pangingilabot ang nararamdaman ko ngayon. At ang bilis bilis din ng tibok ng puso ko.


"Hindi sya sasama sa inyo!"


Galit na galit na sabi ni Shin. Napapikit na lang ako. Bakit ako? Ano ba talaga ang totoong pakay nila sa akin?


"Mamili ka Akira. Sasama ka sa amin o mamamatay ang sampung lobong ito kasama si Kanji?"


Tumingin ako sa sampung itim na lobo na nakangising lahat sa akin. Kapag ba sumama ako sa kanila, masasagot na ang lahat ng tanong na nabubuo sa isipan ko?


Kanji, ilayo mo na dito si Ms. Akira. Ayos lang kami. Sige na.


Kahit na hirap na hirap na sina Louie ay iniisip pa din nila ang kapakanan ko. Mas hinigpitan pang lalo ni Shin ang mga kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.


"Akira, let's go. Kailangan mong makalayo dito."


"Pero sina Louie?"


"Babalikan ko sila pagkatapos kitang ilayo dito."


Muli akong tumingin kina Louie at parang hindi ko ata kayang iwan sila.


"Akira, ano na?"


Nakangising tanong sa akin nung pinakaleader nilang sampu. Kinumpas nya ang kamay nya ay bigla na lang napaluhod si Shin.

He is a Nine Tailed Fox?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon